DOJ, nakikipag-ugnayan sa pag-uwi ni Veloso
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pagpapauwi sa Pilipinas sa Filipina OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row matapos maibaba ang kanyang hatol sa life sentence sa pamamagitan ng ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas .
Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nakahanda na ang DOJ sa pagbabalaik bansa ni Veloso.
Aniya inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumundo kay Veloso sa paliparan kung saan sasailalim muna sa medical check-up bago ideretso ito sa Women’s Correctional.
Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon, walang hinihingin kapalit ang bansang Indonesia sa pagpapa-uwi kay Veloso at ang DFA na ang bahalang makipag-usap sa Indonesia.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang DOJ sa walang patid na apela ng administrasyong Marcos para mailigtas ang kababayan na si Veloso na nasa death row dahil sa kasong drug trafficking.
Naaresto si Veloso, humigit-kumulang 14 na taon na ang nakalilipas at unang hinatulan ng kamatayan ng firing squad noong Abril 2015.
Matapos ang serye ng mga diplomatikong diyalogo at mas matibay na ugnayan sa ating mga internasyonal na kasosyo, lalo na sa Indonesia, nagawa ng gobyerno ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagpataw ng hatol na kamatayan nang sapat upang makamit ang isang mas mahabaging desisyon na pabor sa ating kababayan.
Naninindigan ang DOJ na kaisa ng PBBM sa muling pagpapakita sa mundo na walang maiiwan sa ilalim ng administrasyong Bagong Pilipinas, kung saan ang bawat buhay ay pinangangalagaan at iginagalang anuman ang katayuan, na pinatunayan sa inaasahang paglaya ng ating kababayan na si Mary Jane Veloso na may basbas ng pamahalaan ng Indonesia. GENE ADSUARA
-
Rep. Teves, iniimbestigahan na sa Degamo slay
ISINASAMA na sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo. Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa isang panayam ang posibleng pagkakasangkot ng mambabatas. “We are […]
-
2 Azkals stars sinusulot ng Thailand
Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL). Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan […]
-
BEA, halatang-halata naman na si DOMINIC ang karelasyon kahit ‘di umamin
KAHIT na hindi umamin nina Bea Alonzo at Dominic Roque, halatang-halata naman na si Dominic talaga ang karelasyon ni Bea. At palagay namin, may isang taon o mahigit na rin sila. Simula pa ito nang mapansin din naming sa kanilang mga social media post. Matagal nang nali-link ang dalawa. Ilang sightings […]