DOLE ‘aprub’ sa boluntaryong face masks sa pribadong sektor
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
Papayagan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang optional na pagsusuot ng face maskslaban sa COVID-19 sa lugar ng trabaho kahit sa indoor settings, ito matapos maglabas kagawaran ng mga panuntunan kaugnay nito.
Sa kabila nito, obligado pa rin ang lahat ng mga manggagawa’t empleyado na mag-face masks sa loob ng:
- healthcare facilities (clinics, hospitals, laboratories, nursing homes, dialysis clinics)
- medical transport vechicles gaya ng ambulansya at paramedic rescue vehicles
- pampublikong transportasyon
Ineengganyo pa ring magsuot ng face masks ang mga bulnerableng sektor kabila na ang:
- nakatatanda
- immunocompromised
- hindi bakunado laban sa COVID-19
- may sintomas ng COVID-19
- mga may comorbidities
- buntis
Maaari ring magpatupad ang employers at kanilang mga tauhan ng patakarang nag-oobliga sa face masks lalo na kung isinasang-alang-alang ang peligro sa mga enclosed spaces, poor ventilation. Pwede ring dahilan ang industry requirements gaya ng food safety at kung magkaroon ng kaso ng nakahahawang sakit gaya ng trangkaso at tuberculosis.
“Employers and their workers have a shared responsibility to ensure safe and healthful working conditions in accordance with the provisions of the Labor Code of the Philippines, as amended, Republic Act No. 11059, and minimum public health standards,” dagdag pa ng DOLE.
Ika-1 lang ng Nobyembre nang ibalita ng Department of Education na gagawin na lang ding boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa mga paaralan kahit na sa mga indoor facilities, bagay na hindi kinontra ng Department of Health.
Ito’y kahit na hindi pa pwedeng bakunahan laban sa COVID-19 ang mga estudyanteng 4-anyos pababa. Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong nakapasok na ng Pilipinas ang mas nakahahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant.
Aabot na sa 4 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong 2020. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 64,145 katao.
-
Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang
IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus. […]
-
668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP
NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance. “The wait is over. After more than a year, […]
-
Ads March 4, 2020