• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.

 

 

Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. Ilalaan ang 1,000 sa mga bisikleta para sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay paraan nila para hikayatin ang mga manggagawa na ituluy-tuloy ang pagpapabakuna at hikayatin pa ang kanilang mga kasamahan.

 

 

Kasama rin sa package ang libreng Android phone na may P5,000 load para magamit ng mapipiling manggagawa sa pagtatayo ng maliit na negosyo o sideline.

 

 

Kasama ring ipamimigay ang bike helmet, kapote, water bottle at thermal bag. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bryant, 2 pa iniluklok sa Hall of Fame

    Iniluklok na ang namayapang si Kobe B­ryant kasama ang mga miyembro ng 2020 Class sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame kahapon.     Nakasama ni Bryan sina NBA legends Tim Duncan at Kevin Garnett sa 2020 Class.     Ang dating Los Angeles Lakers superstar ay kinatawan ng kanyang asawang si Vanessa at sinamahan […]

  • Kaya pa ba ng ‘anti-silos power’ ni Jak?: BARBIE at DAVID, iniintriga na dahil sobrang sweet sa isa’t-isa

    TULOY na ang game at variety show ni Lucky Manzano na “It’s Your Lucky Day” ang papalit sa “It’s Showtime” habang ang popular noontime show ay nasa 12-day suspension na magsisimula na ngayong Sabado, October 14.     Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, sinabing si Luis ay sasamahan nina Robi Domingo, Jennica Garcia at […]

  • ‘Top Gun 2’ Director, Collaborated to Built New Camera System to Film Flying Scenes

    TOM Cruise and Val Kilmer return to their roles as Maverick and Iceman, respectively in Top Gun: Maverick.      Director Joseph Kosinski (Oblivion) will be directing from a screenplay written by Ehren Kruger (Transformers: Revenge of the Fallen), Erin Warren Singer (American Hustle), and Christopher McQuarrie (Edge of Tomorrow) and the team behind the film built a […]