DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.
Aabot sa 900 ang inisyal na bilang ng bisikleta nanakatakdang ipamigay ng DOLE sa mga beneficiaries na sasailalim sa training hinggil traffic regulations at financial literacy pati na rin sa occupational safety at health standards.
Sinabi ni Trayvilla na makakatanggap din ang mga beneficiaries ng insulation bag, protective helmet, reflective vst, bike rack, cellphone at load wallet.
Mayroon na rin aniyang partner ang DOLE na mga delivery service providers para sa programang ito.
Ang mga interisado sa programang ito ay maari lamang aniyang mag-apply sa DOLE field offices.
Ang lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa at Manila ang unang makakatanggap ng libreng bisekleta ng DOLE. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval
MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas. Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]
-
P1B APRUBADO NA BILANG DAGDAG BUDGET NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY
APRUBADO na at kasama na sa National Expenditure Program for 2024 ang P1 bilyon para sa revitalization ng coconut industry. Sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz nitong Martes (Agosto 29), out of their request for P11-billion additional budget, only P1B billion was included in the NEP for 2024. Dagdag ni Cruz, mismong […]
-
P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga. Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek […]