• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE NAGBABALA SA MGA GUMAGAMIT NG SOCIAL MEDIA NG AHENSIYA

NAGBABALA  ang  Department of Labor and Employment (DOLE) sa  publiko laban sa  mga gumagamit ng social media platforms na umano’y konektado sa ahensya .

 

“The DOLE warns the public against unverified and illegitimate online transactions or platforms claiming to be affiliated with the Department using the PhilJobNet and the Public Employment Service Office (PESO) brands, and subsequently asking its registrants to deposit money in exchange for ‘commissions’,” pahayag ng DOLE sa isang  press statement.

 

Inabisuhan  din ng ahensya ang publiko na walang registration fee o commission fee na ibinibigay sa mga registrant ng PhilJobNet, ang online platform ng gobyerno para sa mga naghahanap ng trabaho .

 

Nilinaw din ng DOLE na hindi ito affiliated, nauugnay, otorisado , inendorso o sa anumang paraang opisyal na konektado  kina ‘Norbert Jr. V’, ‘Collen Antoinette Marquez’, o anumang kahalintulad na personalididad na nagke-claim ng pera kapalit ng komisyon.

 

Ayon pa sa DOLE, hindi sila nag-aalok ng serbisyo sa pamamgaitan ng  WhatsApp application.

 

Saad pa sa pahayag ng DOLE,  ang publiko ay  pinapayuhan  na manatiling mapagmatyag at huwag magpalinlang sa mga walang prinsipyong indibidwal na ito na nagsasabing kaanib sila ng Gobyerno o mga opisyal nito upang isulong ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

 

Payo ng ahensya sa publiko, huwag i-entertain o makipagtransaksyon sa kanila.

 

Hinikayat din ang publiko na suriin at i-validate ang pagiging lehitimo ng mga alok sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Bureau of Local Employment sa numero ng telepono 8527-2539 o sa pamamagitan ng electronic mail address na ble.lmircgad@gmail.com  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Gymnast Dela Pisa, pararangalan ng SMC-PSA

    INSPIRASYON at nakakaluha ang istorya sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games PH 2019 ang kikilalanin at may espesyal na parangal sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa darating na Biyernes.   Siya si women’s gymnastics gold medalist Daniela dela Pisa na makakasama nina tennis phenom at […]

  • $14-B investments, naisakatuparan mula sa Marcos’ trips- DTI

    TINATAYANG 46 proyekto na nagkakahalaga ng $14.2 billion sa foreign investments ang naikatuparan mula sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa sa nakalipas na 16 na buwan.     Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa Department of Trade and Industry (DTI), lumalabas na may kabuuang $72.2 billion […]

  • Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID

    Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials. Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong […]