• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.

 

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.

 

 

Aniya, base raw sa kanilang nakalap na mga impormasyon, marami na umanong naka-schedule na public hearing kaugnay rito.

 

 

Kaya naman asahan daw na bago matapos ang kasalukuyang administrasyon ay mayroon nang desisyon dito ang RTWPB.

 

 

Dagdag ng DOLE official, ang regional wage boards ay kasalukuyang nagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders kabilang na ang mga employers at workers.

 

 

Kasalukuyan na rin daw na inaaral ng RTWPB ang sitwasyon sa iba’t ibang rehiyon kung ano ang mga pangangailangan ng mga workers at ang kakayahan din ng mga employers.

 

 

Sa ngayon, lahat na raw ng regional boards ay sinimulan na ang kanilang proseso sa pag-set ng minimum wage rate.

Other News
  • Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

    Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.     Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) […]

  • General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

    Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.   “Affected motorists should take a turn at […]

  • Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown

    DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown.     Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon.     Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team […]