Donaire pinaghahandaan na ang rematch kay Inoue
- Published on April 8, 2022
- by @peoplesbalita
SIMULA na ng pukpukang ensayo ni World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire para sa kanilang unification bout ni World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.
Nakatakda ang blockbuster rematch nina Donaire at Inoue sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.
Sa unang araw ng ensayo ni Donaire ay sumalang kaagad siya sa sparring session.
Anim na rounds ang pinagdaanan ni Donaire at gusto pa sanang sumalang sa dagdag na dalawang rounds.
Subalit pinigilan siya ng kanyang coach dahil ayaw nitong masunog ang Pinoy champion lalo pa’t matagal-tagal pa naman ang laban kay Inoue.
“Six rounds logged. First sparring scheduled for four, I wanted eight rounds but coach stopped me since we have 10 weeks to go,” pahayag ni Donaire. “Big thanks to Angelo Leo for the work.”
Matagal nang hinihintay ni Donaire na maikasa ang rematch niya sa Japanese pug.
Kaya naman desidido si Donaire na makaresbak sa pagkakataong ito matapos makalasap ng unanimous decision loss kay Inoue sa finals ng World Boxing Super Series noong 2019.
-
Pamilya ng mga sundalo, pinapasama na ni PDu30 para sa libreng bakuna ng gobyerno
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabigyan ng COVID vaccine. Partikular na naging utos ng Chief Executive na isama ang mga ito sa mga mauunang maturukan na gagawin sa kampo ng militar. “So ang sunod […]
-
Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na
MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid. Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong. Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost […]
-
242 na mga dayuhan pinagbawalang pumasok sa bansa
PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa ang may 242 na mga dayuhan na pinaghihinalaang illegal na magtratrabaho. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay kasunod nang pagbabalasa ng ilang opisyal sa NAIA mula sa kanilang kasalukuyang puwesto dahil sa nabulgar na “pastillas” scheme. […]