DOT at DOLE nagtulungan para mapalakas ang turismo
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA ang Department of Tourism (DOT) na makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang nakatakdang job fair sa pagitan nila ng Department of Labor.
Nagkasundo kasi ang DOLE at DOT na magkaroon ng “Trabaho, Turismo, Asenso” para magbukas ng trabaho sa iba’t ibang tourist destination sa bansa sa darating na Setyembre 22-24 sa SMX Convention.
Ayon kay DoT Secretary Christina Garcia-Frasco, na mahalaga na dagdagan ang mga empleyado sa tourism industry dahil sa pagtaas na ng bilang ng mga international tourist na bumibisita sa bansa.
Mula noong Pebrero aniya ay mayroong mahigit 1.32 million tourist arrival ang naitala sa bansa.
-
‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church
Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon. Imbes aniya na pahalik ay papalitan […]
-
PSC P387-M ang utang sa SEAG
KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019. Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB). Ipinahayag ni PSC Executive […]
-
Bagong highly transmissible Omicron XBB subvariant at XBC variant, na-detect na sa PH
NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng bagong mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ayon sa Department of Health (DOH). Iniulat ng DOH na nasa 81 kaso ng Omicron XBB subvariant ang na-detect mula sa dalawang rehiyon sa bansa. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 70 dito ay nakarekober […]