• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension

PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.

 

 

Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para sa mga pasahero mula sa Cavite, Paranaque at Las Pinas.

 

 

“20 years ago, the government had a vision of putting Cavite extension for the LRT -1 line. This was just a dream 20 years ago. Completing the milestone plays a huge part in addressing mobility, connectivity and convenience for Cavite and southern part of Metro Manila,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na ang pagtatapos ng Phase 1 viaduct ay pagpapakita sa bayan na ang proyekto ay totoo at parating na upang matapos.

 

 

Naantala ng mahigit kumulang na 20 taon ang pagtatayo ng nasabing 11.7 kilometro na rail line kung saan ito ay ginagawa ngayon bilang isang joint-project ng DOTr, Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corp. (LRMC).

 

 

Mayron itong walong (8) estayon na magdudugtong sa Baclaran sa Paranaque patungong Bacoor, Cavite. Ang walong estasyon ito ay ang Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.

 

 

Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer Baclaran-Bacoor, Cavite segment mula sa dating 18. kilometer train line.

 

 

Ang unang phase ng extension ay may pitong (7)-kilometro na may limang (5) estasyon sa pagitan ng Redemptorist Church sa Baclaran at Dr. Santos sa Paranaque. Samantalang ang tatlong (3) estasyon ay inaasahang matatapos ngayon 2022.

 

 

Kapag natapos ng tuluyan, ang LRT 1 Cavite extension, ito ay inaasahan ng DOTr na magkakaron ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000.

 

 

Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay magiging  45 na minuto na lamang at mula Bacoor ay isang (1) oras at 10 minuto naman papuntang estasyon ng Roosevelt sa Quezon City kahit na rush hours.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.  LASACMAR

Other News
  • Sa patuloy na tagumpay bilang aktor at politician: ARJO, top priority pa rin si MAINE at pabuo ng pamilya

    MULI ngang ipinamalas ng actor-public servant na si Cong. Arjo Atayde ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist, matapos niyang magwagi sa 2024 ContentAsia Awards.   Itinanghal si Arjo bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng ‘Cattleya Killer’. […]

  • Mahigit 200 indibidwal, patay sa leptospirosis sa first half ng taong 2023 – DOH

    Iniulat ng Department of Health na pumalo na sa mahigit 200 indibidwal ang namatay mula sa sakit na leptospirosis.       Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Jan. 1 hanggang July 22, 2023 ay umabot na 233 ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa nasabing sakit na mas mataas […]

  • Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims

    Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly  sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo.   Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian  na maglabas ng podo mula […]