DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito.
Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat isa ng apat (4) na bagong kumpanya ng motorcycle taxis na kung saan sila ay binigyan ng pagkakataon hanggang noong April 15 na makumpleto ang nasabing alokasyon.
Ang nasabing alokasyon ay ginawa matapos sabihin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz na magkakaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis. Kung kaya’t nagkaroon ng paglilinaw ang DOTr tungkol sa nasabing moratorium at alokasyon dahil sa kalituhan sa sinabi ni Guadiz.
Sa isang panayam kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay kanyang sinabi na ang 8,000 slots na pinayagan ng LTFRB ay magkakaroon ng operasyon sa labas ng Metro Manila.
“The LTFRB will stop adding the motorcycle taxi units in Metro Manila. The eight thousand slots for new players recently announced were intended only in the provinces,” sabi ni Bautista.
Ang nasabing paglilinaw ay lumabas sa gitna ng panawagan at debate na magkaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis sa kalakhang Maynila.
Isa na rito ang panawagan ng House Committee on Metro Manila Development kasama rin ang panawagan ng iba’t ibang grupo sa transportasyon na may advocacy para sa paghihinto ng pagpapalawig ng motorcycle taxis dahil na rin sa maraming problema tungkol dito.
“This decision aligns with the department’s vision to balance transportation services across different regions while addressing the specific needs and challenges of each area. By redirecting additional MC taxi units outside of Metro Manila, the DOTr aims to alleviate congestion and enhance mobility in the capital region,” saad ni Bautista. LASACMAR
-
Kelot na sangkot sa pagbebenta ng baril, nalambat ng Maritime police sa entrapment
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na sangkot umano ilegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa isinagawang entrapment operation sa Tondo, Manila. Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng baril ni alyas “Joseph”. […]
-
PBBM sa DBM: Agad na ilabas ang pondo para sa relief ops
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na kagyat na ilabas ang pondo para sa relief operations kasunod ng pananalasa ng Tropical Storm Kristine. “I have ordered the DBM Secretary to immediately release all necessary funds so that needed resources can be procured expeditiously,” ang sinabi ni […]
-
PAG-ALIS NG MGA DAYUHAN SA BANSA, MAGPAPATULOY HANGGANG KATAPUSAN NG TAON
INAASAHAN na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon 2020 ang pag-alis ng malaking bilang ng mga dayuhan sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na mula January hanggang September 2020, may 1.5 million na nga dayuhan ang dumating sa Pilipinas bago pa man ipatupad ang travel restrictions […]