• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways

Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024.

 

 

 

Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na P187.21 billion na gagamitin sa mga proyekto at programa na gagawin sa susunod na taon.

 

 

 

Ang pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng P163.74 billion ay gagamitin sa programa sa rail transport upang mapadali ang takbo ng civil at rehabilitation works ng mga rail lines.

 

 

 

Sa proyektong North-South Commuter Railway (NSCR), ito ay makatatangap ng P76.34 billion sa 2024 kung saan ang DOTr ay nagsisikap na matapos ang proyekto ayon sa target na 2028. Ang DOTr ay gagastos ng P53.26 billion para lamang sa procurement ng right-of-way (ROW).

 

 

 

Ito ay bibigyan din ng pondo mula sa Japan na nagakakahalaga ng P873.62 billion. Ang NSCR ay dadaan sa tatlong (3) rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog, galing sa New Clark City sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

 

 

 

Sa taong 2024, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay bibigyan ng alokasyon na nagkakahalaga ng P68.37 billion kung saan naman ang pamahalaan ay magbabayad ng P21.68 billion para sa ROW at tax expenses.

 

 

 

“Set to become the first underground rail in the Philippines, the MMSP will extend for around 33 kilometers across seven cities in Metro Manila and will cut travel time between Quezon City and the Ninoy Aquino International Airport to 35 minutes,” wika ng DOTr.

 

 

 

Habang ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay bibigyan naman ng alokasyon na nagkakahalaga ng P10.29 billion na gagamitin sa maintenance at rehabilitation kasama na rin ang equity rental sa groupo ng Sobrepena led na Metro Rail Transit Corp. (MRTC).

 

 

 

Ang DOTr ay nagbabayad ng monthly fee mula P600 million hanggang P900 million sa MRTC bilang kabahagi ng fare collection mula sa operasyon ng MRT 3. Matatapos ang pagbabayad ng yearly equity sa MRTC sa pagtatapos ng build-lease-transfer contract sa taong 2025.

 

 

 

Maliban dito, ang DOTr ay gagamit din ng budget upang bayaran ang kabahagi nito sa ginagawang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension. Gagastos din ang DOTr sa pre-construction works ng Metro Rail Transit Line 4 at Philippine National Railways South Long Haul.

 

 

 

Kasama rin pondong hinihingi sa Congress ang P6.4 billion para sa expansion at upgrading ng land transport sector, P6.09 para sa aviation facilities at P987.56 million para sa proyekto sa maritime sector.

 

 

 

“The agency will also appropriate P500 million for the development of active transport in urban areas, particularly for the construction of bike lanes and pedestrian walkways,” dagdag ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.  LASACMAR

Other News
  • Kahit malapit nang ma-divorce sa estranged husband: MICHELLE, ramdam ang lungkot dahil ‘di na buo ang pinangarap na pamilya

    TYPE i-revive ni Saviour Ramos ang Sexballs Dancers na ang mga original members ay sina Michael V., Antonio Aquitania, Ogie Alcasid at ang ama niyang si Wendell Ramos.     Unang lumabas ang Sexballs Dancers sa isang segment ng Bubble Gang hanggang sa naging most-requested performance na ito ng naturang gag show.     Noong […]

  • Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas

    WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.   “Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque.   Ukol naman […]

  • KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS

    “IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing.   “Parang ako, hindi ko […]