• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr lumagda sa P142-B kontrata ng PNR Bicol project

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay lumagda sa isang kontrata para sa pagtatayo ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Bicol project.

 

 

Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) ang P142 billion na kontrata na isang joint venture ng China Railway Group Ltd, China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd na siyang mamahala sa design, construction at electromechanical works ng PNR Bicol project.

 

 

“For Chinese official development assistance projects, the contract comes first before a loan, unlike with the Asian Development Bank and Japan International Cooperation Agency where a loan comes first before a contract,” ayon sa DOTr.

 

 

Ang unang 380 kilometers ng PNR Bicol project ay magsisimula sa Banlic, Calamba sa Laguna at matatapos sa Daraga, Albay kung saan may 39 na lungsod at bayan, apat (4) na probinsiya at dalawang (2) rehiyon ang masasakupan at dadaanan.

 

 

Magkakaron ito ng 23 na estasyon, 230 na tulay, 10 passenger tunnels, at 70-hectare na depot na ilalagay sa San Pablo, Laguna.

 

 

“For our kababayans in the south who have dreamt of this project for so long, we are finally seeing the light of day. This milestone is a huge leap toward realizing this long awaited project – the PNR Bicol or the South Long Haul Project. We are grateful to our development partners from China for supporting us in this endeavor and believing that the Filipino people deserve an improved quality of life,” saad ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dahil sa paglagda ng kontrata, ang DOTr ay maaari ng mag request sa Department of Finance (DOF) upang mag apply para sa loan mula sa China para mabigyan ng pondo ang nasabing proyekto. Ang DOF ang siyang maghahanda ng mga kailangan at sila rin ang magsusumite ng loan application sa China. Kapag naging matagumpay ang negotiation para sa loan, ang DOF ang siyang lalagda sa isang kasunduan kasama ang China.

 

 

“Generally, China may finance up to 85 percent of the contract amount, with the balance to be funded by local counterpart budget. The final terms of the loan, including the percentage that will be financed by China, will be subject to loan negotiations by the DOF,” dagdag ni DOTr undersecretary TJ Batan.

 

 

Ayon kay Batan, ang PNR Bicol ay magkakaron ng kabuohang 565 na kilometer railways na siyang magdudugtong sa Metro Manila at sa mga probinsiya sa katimugan ng Luzon hanggang Sorsogon at Batangas.

 

 

Mababawasan ang travel time sa pagitan ng Metro Manila at Bicol mula sa dating 12 oras sa paglalakbay sa lupa at magiging apat (4) na oras lamang.

 

 

“Passenger trains will run at a speed of up to 160 kilometers per hour, while freight trains will run at up to 100 kph. The project is expected to generate more than 5,000 direct jobs per year during the construction,” sabi ni Batan. LASACMAR

Other News
  • 200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI

    Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi […]

  • ‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC

    Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay.   Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches.   Ayon kay PSC Commissioner Ramon […]

  • Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra

    BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.     Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]