• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon ay sa taong 2027.

 

 

 

“If there’s no problem, what we have completed is already substantial to have partial operability. The landscape formatting has been made so that by 2027, the full operation of the first Metro Manila subway will commence,” wika ni Tugade.

 

 

 

Ngayon buwan na gagawin ang lowering ng unang tunnel boring machine at test run ng Valenzuela depot.

 

 

 

Samantala, tuloy-tuloy ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project habang ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda kamakailan lamang sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito.

 

 

 

“We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd Parnership and Blemp Commercials of the Philippines Inc. to fastrack the construction of Japan-funded Metro Manila Subway Project,” wika ng DOTr.

 

 

 

Pumayag ang mga nasabing kumpanya na gamitin ang kanilang lupa para sa subway project ng walang bayad ang pamahalaan.

 

 

 

Ang Megaworld ay magbibigay ng 8,200 square-meter property para sa permanenting structure ng Kalayaan at Lawton na estasyon at may karagdagan pa na 14,400 square-meter na lupa para sa temporary facilities habang may konstruksyon.

 

 

 

Samantalang ang Robinsons Land ay magbibigay din ng 1,700 square-meter property para naman sa pagtatayo ng estasyon sa Tandang Sora.

 

 

 

Habang ang Ortigas & Co.ay maglalaan naman ng 5,200 square-meter lot sa Shaw Boulevard at mula naman sa Blemp Commercials ay ang 6,700 square-meter na lupa para sa pagtatayo ng estasyon sa Ortigas.

 

 

 

“Filipino taxpayers will save approximately P7.5 billion for not having to purchase 21,800 square meter of land for permanent stations and structures and will further save P770 million per year for up to five years for not having to lease 26,900 square meters of land for temporary facilities during construction,” saad ni DOTr undersecretary Timothy Batan.

 

 

 

Nagbigay din ang DOTr ng Contract Package 104 para sa Metro Manila Subway Project sa Megawide Construction Corp. at ang joint venture partners nitong Japan, Tokyu Construction and Tobishima Corp.

 

 

 

Sa nasabing kontrata, ang kasama ay ang pagtatayo ng underground na mga estasyon sa Ortigas North at South at ang connecting tunnels sa mga nasabing lokasyon.

 

 

 

Binigyan ng pondo mula sa Japanese government ang P488 billion na subway na babagtas mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay.

 

 

 

Magiging 35 minuto na lamang ang travel time mula sa lungsod ng Quezon papuntang NAIA mula sa dating isang (1) oras at 10 minuto.  Kapag may operasyon na, ang subway ay makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon nito. LASACMAR

Other News
  • ₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion

    NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.     “Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba […]

  • Ads January 14, 2021

  • 3,000 DAYUHAN, PINAUWI

    UMABOT sa 3,000 na mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag ng Philippine Imigration Law, ayon sa Bureau of immigration.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang  Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese ( 60) habang  40 ang  Koreans, 25 ang […]