DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs).
Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na rin sa probinsiya kahit na ano pang quarantine classification mayron ang lugar.
Kasama rin sa libreng sakay ang mga essential workers at mga APORs. “The program aims to help essential workers get to their destination safely and efficiently by providing them free transportation,” wika ni Tugade.
Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito sa mga essential workers upang hindi masyadong maramdaman ang hindi magandang epekto sa kabuyahan nila na dala ng quarantine restrictions.
Matutulungan din ng nasabing programa ang mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) sa pamamagitan ng Service Contracting Program.
“This is like socialized transport system. The government pays for it and the people will just have to use it. This is our assistance to our countrymen,” saad ni Tugade.
Ang libreng sakay para sa mga health workers at APORs ay ipapatupad hanggang may pondo pa na nagagamit mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan II) para sa Service Contracting Program.
Sa ilalim ng batas, ang mga critically-impacted transport sectors ay bibigyan ng P9.5 billion na pondo kung saan ang malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa service contracting efforts na tutulong sa mga drivers at oprators na naapektuhan ng pandemya. May P5.5 billion ang nakalaan sa service contracting program ng pamahalaan.
“Under the Service Contracting Program, the DOTr through the LTFRB is giving payouts to participating operators and drivers of Public Utility Buses (PUBs) and Public Utility Jeepneys (PUJs). They are provided with performance-based subsidy based on the kilometers traveled by the vehicles,” dagdag ni Tugade.
Mula noong April 12, 2021, ang Free Ride Program para sa mga health workers at APORs ay may naitalang 2.2 million na kabuohang pasahero sa Metro Manila at karatig na lugar mula ng nagsimula ito noong March 18, 2021. Mula sa kabuohang ridership, may 587, 892 na pasahero ang mula sa National Capital Region (NCR) at 1,651, 722 mula sa ibang rehiyon ng bansa. Mayron 20 na ruta ang nasa ilalim ng nasabing programa sa Metro Manila.
Nanawagan naman si Tugade sa mga pasahero, operators at drivers na laging sumunod sa health protocols na ipanatutupad tulad ng paggamit ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing. (LASACMAR)
-
Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby
DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin. Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]
-
Bagong batas, nagdedeklara sa smuggling, hoarding ng agricultural products bilang economic sabotage-DA
TINANGGAP ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang pagtinta sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang batas na magpapataw ng mas mahigpit na parusa laban sa mga ‘smugglers at hoarders’ ng agricultural food products kabilang na ang mga cartel. “This new law that penalizes violators with higher fines and long jail terms, […]
-
Banggaan nina CINDY at KYLIE sa kanilang first movie, kaabang-abang; dedma na lang kahit pinagtatapat
PINAG-UUSAPAN at marami talaga ang nag-react nang lumabas ang trailer ng My Husband My Lover ang bagong pelikula ni McArthur C. Alejandre. Mapangahas nga ang pelikulang sinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at tampok ang apat na hottest stars ng henerasyong ito, Marco Gumabao, Adrian Alandy, Cindy Miranda at Kylie Verzosa. […]