• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading

SINIMULAN  na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway.

 

 

Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan.

 

 

“The first batch PPP projects include the EDA busway and the North Long Haul Inter-Regional Railway from Metro Manila to Ilocos ang Cagayan. We opted to prioritize these projects due to their impact on livability and sustainability,” wika ng DOTr.

 

 

Ang mga proyektong ito ay makakatulong upang magkaroon ng improvement sa transportation infrastructure at pagtatatag ng isang livable at sustainable communities sa bansa.

 

 

Gustong ibigay sa pribadong sektor ang EDSA busway upang masiguro ang pagkakaroon nang hustong pondo lalo na ngayon na ang pamahalaan ay wala ng planong magbayad para sa maintenance ng ganitong proyekto.

 

 

Isa pa sa mga proyekto na gustong ibigay sa pribadong sektor ay ang privatization ng Pasig River ferry system.  Ang Pasig River ferry service ay may 400 na pasahero kada araw sa Metro Manila mula Manila hanggang sa lungsod ng Marikina.

 

 

Samantala, ipinagutos naman ng bagong talagang Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jay Art Tugade na magkaroon nang mahigpit na crackdown sa mga overloaded na sasakyan.

 

 

Inutusan niya ang mga LTO personnel na palakasin ang anti-overloading campaign upang magkaroon ng pagbabago sa road safety ng mga pasahero. Kamakailan lamang ay may 15 truck drivers ang nahuli dahil sa violation ng Republic Act 8794 o ang tinatawag na Anti-Overloading Act.

 

 

“We will clear the roads of overloaded trucks because they pose danger to pedestrians and motorists. Definitely, our operations against overloaded vehicles will continue without let up,” wika ni Tugade.

 

 

Sa kabilangdako naman, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagbigay ng kautusan sa mga MMDA traffic personnel na maging lenient sa kanilang apprehension ng mga traffic violators dahil sa inaasahang pagtaas ng vehicular volume sa darating na Kapaskuhan.

 

 

Nilagdaan ni MMDA officer-in-charge Romando Artes ang isang memorandum na nag-uutos sa mga traffic enforcers nabigyan muna ng kaukulan pansin ang pagpapatupad ng traffic management plans kaysa sa manghuli ng erring motorists na lumabag sa mga minor offenses at violation ng batas trapiko.

 

 

Ayon kay Artes ang leniency sa panghuhuli ay ipapatupad sa Christmas season. Dagdag pa niya ang mga motoristang nag-swerve mula sa original lanes ay dapat na lamang payagan ng dumaan at huwag na munang pahihintuin upang hulihin para hindi na gumilid at magsanhi pa ng congestion sa lansangan.

 

 

Subalit ang mga violators ng number-coding scheme, disregarding traffic signs at distracted driving ay hindi exempted sa panghuhuli. Nilinaw naman niya na ang tolerance sa panghuhuli ng minor traffic rules ay magiging case-to-case basis.

 

 

“The MMDA will also adjust the working hours of its enforcers so there will be enough personnel to manage traffic, especially around malls whose operations have been extended until 11:00 p.m. during Christmas season,” saad ni Arte.  LASACMAR

Other News
  • Pinoy jins hahataw sa Vietnam

    NAKATAKDANG  umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Fe­deration) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.     Magsisilbing delegation head […]

  • PBBM wala pang desisyon sa pardon kay Veloso

    HINDI pa tiyak kung bibigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos ng pardon ang Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso.       Ayon sa Malacañang, masyado pang maaga para pag-usapan ang pagbibigay ng pardon ng Pangulo.       Inaasahang maiuuwi na si Veloso sa bansa anumang oras ngayon matapos pumayag ang Indonesia […]

  • Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

    MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at […]