• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” tuloy pa rin

MULING inanyayahan ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga transport workers na  magpabakuna sa ilalim ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na ginagawa ngayon sa Land Transportation Office (LTO), East Avenue, Quezon City.

 

Sinimulan noong February 14 at matatapos sa February 17 ang nasabing programa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang bakuna na mga transport workers at stakeholders.

 

Inaasahang ng DOTr na mabibigyan ng bakuna ang 500 na transport workers kada araw mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Bukas din ang programa para sa mga commuters na hinid pa bakunado.

 

Priyoridad ang pagbibigay ng booster subalit bukas din ang programa sa mga walang pang 1st at 2nd na bakuna at kinakailangan lamang na mag rehistro ang mga tao sa LTO Chapel.

 

Ang nasabing programa ay karugtong ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na ginawa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong nakaraang Jan. 24-28. May naitalang 1,361 transport workers ang nakatangap ng bakuna na ginawa sa PITX.

 

“We will continue to launch this program as we will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people. We will open it in different venues such as train stations, ports and tollways,” wika ng DOTr.

 

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LTO ang lahat ng mga transport workers at stakeholders na samantalahin ang pagkakataon upang magkaron ng bakuna.

 

“This activity is intended for all transport workers and stakeholders, including the commuters who voluntarily want to take advantage of getting vaccinated which also include drivers, conductors, operators and commuters,” saad ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

Sinabi naman ni MMDA OIC-Chairman Atty. Romualdo Artes na patuloy silang makikipagtulungan sa DOTr, LTO at LTFRB upang magkaron ng magandang ugnayan ang kanilang ahensya sa DOTr sa pagsusulong ng programang “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive.”

 

Sinimulan ng DOTr ang unang pagbabakuna sa mga transport workers nong July 2021 sa ilalim ng programang “Tsuperhero: Kasangga sa Resbakuna” kung saan umabot sa 4,572 na transport workers ang nabigyan ng bakuna.  LASACMAR

Other News
  • PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro

    NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances.     Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang […]

  • Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program

    NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging.   “Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa […]

  • OCTA sa gov’t: Maging maagap vs Delta variant

    Inirekomenda ng OCTA Research group sa pamahalaan na magpatupad na sa lalong madaling panahon ng “bold moves” gaya ng “circuit-breaker” lockdowns laban sa Delta variant sa Pilipinas.     Sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Dr. Guido David na ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay pumalo na sa […]