Drive thru at pick-up sa lahat ng supermarket, iminungkahi
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Iminungkahi ni ACT-CIS Party List Rep. Niña Taduran ang pagtatayo ng drive through at pick-up service sa lahat ng mga supermarket sa bansa upang mabawasan ang pagkakalantad ng publiko sa Covid-19.
“Speaking not as a lawmaker but as a homemaker who has the task of making regular grocery runs, I sympathize with the people standing in line for their turn to enter the supermarket,” ayon sa mambabatas.
Paliwanag nito, kahit na may physical distancing sa pila ay may pangamba pa na mahawa dahil sa panahon na itinatagal sa pila, na minsan ay inabot pa ng isang oras.
May una nang panukala mula kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na magkaroon ng drive through services para sa lahat ng frontline services ng PNP tulad ng gun registration at vehicle clearances para mabawasan ang exposure sa naturang sakit.
“Taking the cue from the PNP, I thought it was a good idea to implement the same for daily essentials like grocery shopping as well” ani Taduran.
Aniya, mas magandang bumuo ng isang online portal ang mga may-ari ng supermarket kung saan mamimili ng kanilang bibilhin ang publiko at puwedeng doon na rin nila bayaran online ang kanilang pinamili. Makaraan ito at kukunin na lang ng mamimili ang kanilang pinamili sa drive thru na nakaayos na.
Ang mga wala namang sariling sasakyan ay maaaring kunin ang kanilang pinamili sa counter ng grocery store na nakahanda na rin. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mahabang panahon ng paghihintay para lang makapasok sa tindahan at makapili ng kanilang bibilhin.
“Tanggapin na natin na ganito na ang ‘new normal’ and the only thing we can do to save ourselves from Covid is to adapt”, pagdidiin ni Taduran.
Ayon pa sa mambabatas, hindi na kailangan ng batas para ipatupad ito. Ang kailangan lang aniya ay ang kooperasyon ng mga may-ari ng supermarket sa buomg bansa.
Maaari rin aniyang makatulong ito sa pagsulong ng ekonomiya dahil mas magiging madali na para sa mga taong bumili ng produkto. Dahil dito, ang mga tao ay mas maengganyong bumili tulad ng nangyari sa dumaraming online retailers. (Ara Romero)
-
SIM registration, walang extension – NTC
NANINIWALA ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi na kailangan pang palawigin ang SIM card registration sa bansa. Ayon kay NTC Director Imelda Walcien, kumpiyansa silang matatapos ng mga telecommunication companies ang pagrerehistro sa halos 169 milyong SIM cards hanggang sa deadline nito na Abril 26. Matatandaang alinsunod sa itinatakda ng […]
-
Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%
NAGBIGAY ng malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023. Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang BOI-approved investments […]
-
Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho
Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention. Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng […]