• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto

Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo.

 

 

Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang kanyang alternatibong naisip.

 

 

Mungkahi pa ng Senate president na bukod sa pag-aalis sa NBP ay dapat ihiwalay ng kulungan ang mga makukulit na kriminal kung saan walang cell site, walang kahit ano kundi susuplayan lang sila ng pagkain.

 

 

“Alisin sa Munti ang NBP… ilalagay mo Luzon, Visayas, Mindanao. Pag inilipat mo tapos regional mababawasan din sakit ng ulo ng jailguards. Kasi oras na ang convicted na binibisita ng pamilya, doon na nag-uumpisa magloko,” wika niya.

 

 

Kahit na wala uma­nong death penalty ay maaaring ilagay sa isang isla na puro bato at walang komunikasyon ang mga drug lords para maiwasan na makapag-operate pa rin ang mga sindikato ng droga at puro sitaw din ang kakainin nila.

 

 

Puna pa ni Sotto, ang ibang krimen ay maaa­ring bayaran sa kulungan maliban lamang sa mga high level drug trafficking dahil nakakapag-operate pa sila kaya dapat itong pigilan.

 

 

Ang pahayag ni Sotto ay kaugnay sa pagkwes­tyon sa pagpasa at pag-prioritize sa panukalang death penalty sa Senado na bagama’t priority nila ay mayroong mga teknikalidad na katulad ng ibang panukala ay naka-refer din sa Committee on Justice. (Daris Jose)

Other News
  • Seguridad sa inagurasyon ni Pres-elect Marcos, ‘all systems go’ na – PNP

    ALL systems go na raw ang seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sa isang statement, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad na ang final security preparation at naisapinal na para siguruhin ang matagumpay at zero casualty maging ng ano […]

  • PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

    SI Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang unang world leader na nakatakdang bumisita sa China sa  2023.       Sa idinaos na Foreign Ministry press conference ng China, sinabi ni spokesperson Wang Wenbin na  “Marcos will be the first foreign head of state China will receive in the new year.”       “This […]

  • Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.   Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.   Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]