Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo.
Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang kanyang alternatibong naisip.
Mungkahi pa ng Senate president na bukod sa pag-aalis sa NBP ay dapat ihiwalay ng kulungan ang mga makukulit na kriminal kung saan walang cell site, walang kahit ano kundi susuplayan lang sila ng pagkain.
“Alisin sa Munti ang NBP… ilalagay mo Luzon, Visayas, Mindanao. Pag inilipat mo tapos regional mababawasan din sakit ng ulo ng jailguards. Kasi oras na ang convicted na binibisita ng pamilya, doon na nag-uumpisa magloko,” wika niya.
Kahit na wala umanong death penalty ay maaaring ilagay sa isang isla na puro bato at walang komunikasyon ang mga drug lords para maiwasan na makapag-operate pa rin ang mga sindikato ng droga at puro sitaw din ang kakainin nila.
Puna pa ni Sotto, ang ibang krimen ay maaaring bayaran sa kulungan maliban lamang sa mga high level drug trafficking dahil nakakapag-operate pa sila kaya dapat itong pigilan.
Ang pahayag ni Sotto ay kaugnay sa pagkwestyon sa pagpasa at pag-prioritize sa panukalang death penalty sa Senado na bagama’t priority nila ay mayroong mga teknikalidad na katulad ng ibang panukala ay naka-refer din sa Committee on Justice. (Daris Jose)
-
CBCP, pinasalamatan ang mga guro
Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan. […]
-
Ads December 30, 2023
-
97 bagong Delta variant, natukoy
Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’. Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]