• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug suspect kalaboso sa P115K droga sa Caloocan

BINITBIT sa selda ang isang drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na habang nagsasagawa ng foot patrol angĀ  mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Brgy., 175, Camarin nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nakatayo habang nag-uusap, dakong alas-11:50 ng gabi.
Kalaunan, nakita ng mga pulis na may iniabot ang isang lalaki sa kanyang kausap na isang medium transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya nilapitan nila ang mga ito.
Gayunman, nang mapansin ng dalawang lalaki ang presensya ng mga pulis ay kumaripas ng takbo ang mga ito patungong Robes, Brgy. 175 kaya hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner at maaresto ang suspek na si alyas “Kabeb” habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.
Nakumpiska sa naarestong suspek ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng aabot 17 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P115, 600.00.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa article 151 of RPC at Section 11 of Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)
Other News
  • PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

    IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.   Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]

  • Pagpapatupad ng child car seat law pinagpaliban

    Pinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicle Act habang tinatapos pa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines ng nasabing batas.     Parehas na umayon ang DOTr at LTO na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng batas dahil na rin […]

  • Chinee creeping invasion, nagsimula na

    NAGPAHAYAG nang pagkaalarma si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa patuloy na ulat sa hindi maipaliwanag na presensiya ng mga Chinese workers, businessmen, tourists, at estudyante sa bansa.     Sa ginanap na pagdinig ng ilang komite sa kamara,nanawagan si Barbers at ilang mambabatas sa PNP, PDEA, NBI, Immigration, DFA, PSA, LTO, Philippine […]