• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatupad ng child car seat law pinagpaliban

Pinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicle Act habang tinatapos pa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines ng nasabing batas.

 

 

Parehas na umayon ang DOTr at LTO na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng batas dahil na rin sa pandemic at upang mapagaralan ng mabuti ang edad at taas ng mga bata na sasailalim sa child car seat law. Pag-aaralan din ang tamang standard ng seat at mga multa na ipapataw sa mga hindi susunod at mahuhuling sumasaway sa batas.

 

 

Sinabi ni Transportatio Assistant Secretary Goddes Libiran na mga anim (6) na buwan ang kanilang kailangan upang magkaron ng malawakang information campaign bago ipatupad ang batas.

 

 

“Secretary Tugade said we must consider the current situation given the pandemic,” wika ni Libiran.

 

 

Ayon pa rin sa DOTr na ang LTO ay nasa proseso ng patapos na pag-aaral tungkol sa mga protocols na kailangan sa nasabing batas lalo na at kailangan ang special training dahil ang mga bata ay kasama sa batas na ito.

 

 

Dapat sana ay nagkaron ng enforcement at communications planning workshop ang LTO sa pagpapatupad ng Child Car Seat Law noong nakaraang March 19, 2020 subalit ito ay hindi natuloy dahil sa quarantine restrictions na pinatupad noong nagkaron ng lockdown sa Metro Manila.

 

 

Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Child Car Seat Law ang may edad na 12 at may taas na 4’11” pababa ay kinakailangan na gumamit ng car seats.

 

 

Dagdag pa ng LTO na hindi muna sila manghuhuli ng mga hindi susunod sa batas sa loob ng anim (6) na buwan o hanggang August sapagkat itutuon muna nila ang kanilang priority sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Child Car Seat Law sa mga drivers at magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers at iba pang paraan ng kuminikasyon.

 

 

“We will not imposing fines and penalties on violators immediately. What we are doing now is focusing on a massive information campaign,” saad ni LTO chief Edgar Galvante.

 

 

Ang batas ay nagpapataw ng multang P1,000 para sa unang offense at P2,000 sa ikalawang offense hanggang P5,000 naman para sa ikatlong offense at isang (1) taon na pagsuspendi ng driver’s license depende sa ginawang offense.

 

 

Dapat sana ay ipapatupad na ang batas noong nakaraang Martes subalit ito ay ipinagpaliban muna.

 

 

Ayon naman sa mga senators dapat sana ay bigyan muna ng LTO ang mga car owners ng sapat na pagkakataon upang ang mga private car owners ay makakuha ng child car seats bago ipatupad ang batas.

 

 

“I signed a resolution urging the DOTr and LTO to defer the enforcement of the Child Car Seat Law until the necessary guidelines are put in place,” wika ni Senator Majority Leader Juan Miguel Zubiri.  (LASACMAR)

Other News
  • WNBA star Britney Griner nailipat na sa Russian penal Colony

    Nailipat na sa malayong penal colony ng Russia si American basketball star Britney Griner.     Ayon sa kaniyang abogado nito na sina Maria Blagovolina at Alexander Boykov na dito gugugulin ng 32-anyos na basketball star ang siyam na taon na pagkakakulong.     Nasa mabuti aniya ang kalagayan nito base sa pinakahuling pagbisita nila. […]

  • SWAB TEST MUNA BAGO BUMALIK SA TRABAHO

    Sumailalim muna sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bago bumalik sa kanilang trabaho.     “Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety […]

  • Sa kanyang 25 years sa showbiz: ALLEN, ‘di pa nakakasama sina VILMA, MARICEL at SHARON

    NAKAKALOKA si Allen Dizon!     Isa kasi siyang car collector at siya mismo ang nagkuwento sa amin na meron siyang mahigit tatlumpo, yes, tatlumpung kotse!     Lahat ng mga kotse niya ay nasa garahe niya sa bahay niya sa Pampanga.     Bukod dito ay may dalawang restaurant si Allen na nasa NLEX, […]