• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.

 

Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.

 

Dahil dito, agad daw mag-iisyu ng Administrative Order ang Department of Health (DoH) para siguruhing maipatutupad ng maayos ang EO sa MDRP.

 

Ang retail ay kailangan na ring ipatupad sa public at private drug retail outlets kasama na ang chain at independent drugstores, hospital pharmacies, health maintenance organizations at iba pang outlets sa loob ng 90 days.

 

Kasabay nito, isasagawa na rin ng DoH ang dissemination sa implementing guidelines sa mga stakeholders.

 

Ang mga lalabag sa price caps ay mahaharap daw sa kasong paglabag sa Cheaper Medicines Act at iba pang batas na lalabag sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Administration (FDA).

 

“We are grateful for the support and genuine care of our President in looking out for the health of our people. This will propel us toward Universal Health Care which will broaden our agenda to make comfortable lives for all Filipinos,” ani Health Secretary Francisco Duque III.

Other News
  • UniTeam, “still vibrant, still working”-PBBM

    “STILL vibrant, still working”!     Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.     “Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.     […]

  • Solusyon sa korupsiyon sa Immigration, pagpasa ng bagong batas sa Immigration act

    ANG pagpasa ng isang bagong batas sa Immigration ang nakikitang solusyon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente upang matigil ang katiwalian sa ahensiya.   “I have talked to the President and raised this concern to him as well. The Philippine Immigration Act is a very old law, 80 years old to be exact. […]

  • Kahit sinusubukan pang ayusin ang relasyon… Kasal nina BEA at DOMINIC, hindi na mangyayari ngayong taon

    MATAPOS ang pagkukuwestiyon sa kanyang sarili ay maligaya na muli si Carla Abellana bilang isang certified Kapuso.     Kahit naman sinong artista na hindi pa pinapapirma ng bagong kontrata ay mag-aalala kung gusto pa ba ng network ang kayang serbisyo.     At tulad nga ng naganap, tuloy ang pagiging Kapuso Primetime Goddess ni […]