• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD: P935 milyong educational ayuda, naipamahagi na

UMAABOT na sa mahigit P935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 370,000 student beneficiaries mula ng ipinatupad ang naturang programa.

 

 

Ayon kay DSWD Un­dersecretary Jerico Javier, hanggang noong Setyembre 10, aabot na sa P935,971,800 ang kabuuang halaga na naipamahagi nila sa mga benepisyaryo sa ilalim ng kanilang cash assistance program.

 

 

Noon lamang Setyem­bre 10, P261,208,000 cash ang kanilang na-disbursed sa may 104,326 benepisyaryo.

 

 

Aniya pa, wala rin silang naitalang anumang problema sa kanilang mga payout sites sa buong bansa, sa naganap na distribusyon ng ayuda nitong Sabado.

 

 

Ang programa ay sinimulan ng DSWD noong Agosto 20 at nakatakdang magtapos sa Setyembre 24 o tatagal ng anim na Sabado lamang.

 

 

Sa ilalim nito, hanggang tatlong estudyante sa bawat indigent family ang maaaring makatanggap ng P1,000 para sa elementary students, P2,000 sa high school, P3,000 sa senior high, at P4,000 sa college students o vocational courses.

 

 

Gayunman, isinara na ng DSWD ang online application para sa educational assistance program dahil sa rami ng mga aplikasyon na kanilang natanggap, gayung limitado lamang ang pondo nila para dito.

 

 

Aabot sa P1.5 bilyon ang inilaan ng DSWD para sa 400,000 estud­yante sa buong bansa.

 

 

Sinabi naman ni Ja­vier na depende sa budget kung bubuksan pa nilang muli ang online application. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Talagang may death squad ako noon’ – Ex-Pres. Duterte

    INAMIN ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inutusan niya ang mga dating hepe ng Philippine National Police na hikayatin ang mga suspected criminals na lumaban at kapag kumasa ay doon patayin.     Ito ang isiniwalat ni Duterte sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee hinggil sa madugong war on drugs noong nakaraang administrasyon.   […]

  • 2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos

    MULING umiskor si Orencio James  Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.   Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas […]

  • LEE SEUNG GI, pinakikiusapan ng nagulantang na ‘Knetz’ na hiwalayan na si LEE DA IN after na maglabas ng official statement

    ANG South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ay ginulantang ang lahat, lalo na ang kanyang mga tagahanga dahil sa lumabas na balita at mga paparazzi pictures mula sa Dispatch na “dating” na ito sa isang 5 years younger sa kanyang Korean star na si Lee Da In.   Pagkalabas ng breaking news noong […]