DTI nagbigay ng cash aides sa Valenzuela MSEs
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), ay mabibigyan ang Micro and Small Enterprises (MSEs) ng P10,000 bilang paunang puhunan para matulungan lumago ang kanilang maliit na negosyo.
Nangako si DTI Secretary Ramon Lopez na magbibigay ng cash assistance na hindi bababa sa 1,000 sa maliliit na business owners mula sa Valenzuela na magsisilbing pondo para ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kanilang sariling negosyo.
Sinabi ni NCR Regional Director Marcelina S. Alcantara na pangunahing layunin ng nasabing programa ay suportahan ang mga taong naapektuhan ng sakuna, lalo na ang mga napilitang isara ang mga negosyo dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
“Ang atin lamang pong objective dito sa Pangkabuyan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ay matulungan ‘yung atin pong mga Micro-Enterprises na galing po sa priority natin, kumbaga ay eligible beneficiaries. Gaya ng nasunugan at na-pandemic,” ani Director Alcantara.
Sa kanyang mga natitirang araw sa opisina bilang chief executive, nagbigay ng ilang payo si Mayor REX Gatchalian sa kanyang mga nasasakupan na nabigyan ng cash assistance. Tiniyak niya na ang pera ay magagamit ng matalino at epektibo para ang PPG program ay patuloy na sumusuporta sa kanilang mga negosyo.
“Hindi lang ito ayuda kundi dagdag kapital mula sa Dapartment of Trade and Industry (DTI) para matulungan kayong makabuwelo pa lalo. Alam nating marami po sa mga negosyante nating maliliit ay talagang lubhang naapektuhan ng pandemya dahil nagamit po kung saan-saan ang kanilang kapital,” pahayag ni Mayor REX. (Richard Mesa)
-
Sri Lanka naglagay na ng mga sundalo sa mga gasolinahan
NAGLAGAY na ng sundalo ang gobyerno ng Sri Lanka para bantayan ang mga gasolinahan. Ito ay dahil sa maraming pumila sa mga gasolinahan dahil sa banta ng kakulangan ng suplay ng gasolina. Ang nasabing bansa ay nagkukumahog ang ekonomiya dahil sa devaluation ng kanilang pera kaya humingi na sila ng tulong […]
-
42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO
NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura. Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon […]
-
Sotto pinayuhan ng Kano
TINAGUBILINAN ng Amerikanong coach na kasalukuyang nagmamando sa Thailand national men’s basketball team na si Chris Daleo si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto. Aniya kamakalawa, pagtuunan na lang muna ng 18 taon, may taas na 7-3, at tubong Las Piñas, ang kanyang talento at iwasan ang maraming asungot na humawak […]