DTI Sec. Lopez, nagpositibo sa COVID-19
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri.
Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw.
Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng publiko dahil hindi naman aniya maaapektuhan ang mga trabaho sa kanilang ahensya.
Aniya, nakatalaga naman sa iba’t-ibang tanggapan ang mahahalagang function, kasama na ang monitoring sa mga bilihin ngayong holiday season. (ARA ROMERO)
-
F1 driver Lance Stroll, ibinunyag ang pagpositibo sa COVID-19
IBINUNYAG ni Canadian Formula One driver Lance Stroll na ito ay nagpositibo sa coronavirus. Nangyari aniya ito pagkatapos ng Eifel Grand Prix noong Oktubre 11. Dahil aniya sa pangyayari ay hindi na ito nakasali sa karera sa Nueburgring kaya pinalitan siya ni Nico Hulkenberg ng Germany. Dahil sa kaniyang paggaling ay pinayagan […]
-
De la Hoya hindi aatrasan si Canelo
Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47. Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez. […]
-
HOLDAPER ARESTADO SA MALABON
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang umano’y holdaper matapos kumasa sa kanya ang dalawang technician na kanyang hinoldap at inagawan ng cellular phone sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Alexis Padilla, 29, ng Block 21, Lot 5, Dulong Hernandez, […]