Duque bumanat kay Locsin sa 50 milyong ‘syringe deal’
- Published on December 15, 2021
- by @peoplesbalita
Tahasang tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasinungalingan ang akusasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa umano’y paglaglag muli ng pamahalaan sa isang deal para makabili ng 50 milyong pirasong ‘syringe’ na gagamitin sa ‘vaccination program’ ng bansa.
“Hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun,” giit ni Duque sa isang panayam ng dzBB.
Ikinatwiran ni Duque na umatras ang supplier makaraang hindi sila pumayag sa mataas na presyo na iniaalok nito.
“Ang gusto ni Locsin, sumunod kami sa gusto ng supplier na presyo. Ay hindi naman pwede ‘yun. Hindi naman kami g*go para gawin ‘yun. Meron tayong batas diyan—Republic Act 9184,” ayon kay Duque patungkol sa Government Procurement Reform Act.
Ito ang ikalawang akusasyon ni Locsin sa DOH. Noong Disyembre 2020, inakusahan din niya ang ahensya ng “somebody dropped the ball” o inilaglag ang negosasyon sa Pfizer. Itinanggi rin ito ni Duque at sinabing patuloy ang negosasyon sa Pfizer ng panahong iyon.
Hindi maiwasan na naglabas ng pagkadismaya si Duque kay Locsin na maaari naman umanong personal na lumapit sa kaniya para pag-usapan ito.
“Tweet nang tweet ito, hindi man lang ako tawagan. Open naman ang communications namin. Pareho naman kaming nasa administrasyon, ‘di ba? Madali naman mag-usap for clarification, ‘di ba?” ayon kay Duque.
Nitong Linggo, inihayag ng DOH at ng National Task Force Against COVID-19 na may sapat silang mga hiringgilya para sa vaccination program ng bansa. (Daris Jose)
-
GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA
HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann? Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya. Hindi ba niya alam ang restrained […]
-
Ads May 1, 2021
-
Hindi kailangan ang license, registration ng e-bikers
INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na hindi kailangan ang registration papers ng mga electronic bikes at scooters na may maximum speed ng 25 kilometers kada oras upang tumakbo sa lansangan. Ayon din sa LTO na hindi rin kailangan ng mga drivers ng smaller category of e-bikes na magkaron ng driver’s license mula sa […]