• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman

Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y mga iregularidad at anomalya na ginawa ng mga opisyal at empleyado ng DOH.

 

Kabilang sa mga iimbestigahan ay ang delayed procurement ng Physical Protective Equipment (PPE), at iba pang medical gears na kailangan para sa proteksyon ng mga healthcare workers laban sa nakakamatay na sakit.

 

Nais din siyasatin ang umano’y lapses at irregularities na nagresulta sa pagkamatay ng mga medical workers at sa patuloy na pagsirit ng numero ng mga namamatay at nahahawa na medical frontliners.

 

Kasama rin sa imbestigasyon ang hindi pagkilos sa release at processing ng benefits at financial assistance ng mga nasawi at infected medical frontliners.

 

Bukod dito, ipinasisilip din ang nakakalito at delayed reporting ng COVID-19 related deaths at confirmed cases.

 

Ilang linggo bago ipatupad ang lockdown noong Marso 15, sinabi ni Martirez na nagsimula na ang kanilang field investigation office sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa ilang reklamo sa DOH subalit hindi aniya nakikipagtulungan ang mga opisyal at kawani ng DOH.

 

Sa ngayon, binibigyan ng kapangyarihan ni Martirez ang binuong joint-investigation team na maghain ng criminal at administrative case sa mga mapapatunayang may pagkukulang at paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • PH Jeanette Aceveda out na sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19 test

    Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19.     Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa […]

  • Metro Manila mayors OK single ticketing system

    Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa.       “The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a […]

  • Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na

    Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip.     Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang […]