• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque hindi sang-ayon na makasuhan sa PhilHealth mess: ‘I intend to clear my name’

Dismayado si Health Sec. Francisco Duque III sa pagkakasali niya sa mga pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersya ukol sa umano’y korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

“I just finished a series of meetings and was only informed of the sponsorship speech of Senate President Sotto on the findings of the Committee of the Whole on PhilHealth just now.”

 

Si Duque ang chairman ng PhilHealth board, pero ayon sa kanya, non-voting ang kanyang posisyon sa state-health insurance. Ibig sabihin, hindi ikinokonsidera ang boto niya sa mga deliberasyon ng board.

 

“As a non-voting Chairman under Universal Healthcare Law, it is unfortunate that I was impleaded in the alleged IRM irregularities when I was not even present during the deliberation nor did I sign the Board Resolution.”

 

Binigyang diin ng kalihim ang pakikipagtulungan niya sa mga mambabatas na nag-iimbestiga sa issue.

 

“This is not the best time for the Executive to have a difference with the Legislative branch, but two weeks ago I went to the Senate to shed light on the issues based on my personal knowledge.”

 

Kabilang ang Health secretary sa mga inirerekomenda ng mga Senador na kasuhan dahil sa nadiskubreng korupsyon sa loob ng ahensya. Kasama niyang pinakakasuhan ang mga nag-resign na sina PhilHealth president and CEO retired B/Gen. Ricardo Morales Jr., at executive vice president Arnel de Jesus.

 

Pati na ang mga senior vice president’s na sina Renato Limsiaco (for fund management sector), Israel Francis Pargas (for health financial policy sector), at iba pang dawit sa sinasabing iligal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism (IRM).

 

Sa kabila nito, nangako ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon si Duque.

 

“As I have previously stated, I will cooperate with my any inquiry on the matter by the concerned government agencies. Certainly, I intend to clear my name.” (Daris Jose)

Other News
  • KYLIE, naka-move on na kaya dedma na lang nababalitang relasyon nina ALJUR at AJ; malaki ang pasasalamat kay ANDREA

    KUNG maingay ang balita sa relasyong Aljur Abrenica at AJ Raval, iba naman ang drama ni Kylie Padilla.     Tila dedma o talagang naka-move-on na si Kylie sa naging hiwalayan nila ni Aljur at tila unaffected na ito kung kanino man nali-link o balitang may karelasyon ang ama ng mga anak niya. Nag-like pa […]

  • Nagsimula na ang kanyang US concert tour: ALDEN, ‘di na makapapasyal dahil babalik agad para sa taping nila ni BEA

    NAGSIMULA na ng “ForwARd” concert tour si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.      But before he officially started his concert tour last September 3, sa San Mateo Performing Arts Center, nag-courtesy visit siya sa Philippine Consul General in San Francisco na si Honorable Neil Ferrer.     He also handed Consul General Ferrer a […]

  • SSS pensioners ‘di na kailangang magpakita para sa annual confirmation

    HINDI  na kailangang magpakita pa sa alinmang sangay ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na nasa bansa para sa  Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).     Ang Acop ay requirement ng SSS para ma- update ang rekord ng mga pensionado para sa pagtanggap ng kanilang  pension kada taon.     Nilinaw naman ng […]