• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Durant, Irving, Harden nagsama ng puwersa sa panalo sa playoffs debut

Mistulang nangapa muna sa first half ang Big Three ng Brooklyn Nets bagong tuluyang itumba sa second half ang Boston Celtics sa first round ng playoffs, 104-93.

 

 

Ito ang siyam na beses pa lamang na nagsama sama sa iisang game sa Nets sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.

 

Nagtapos si Harden, sa 21 points, nine rebounds, eight assists at four steals, habang si Durant, ay nagpakita ng 32 points at 12 rebounds sa loob ng 39 minuto at si Irving naman ay nagdagdag sa 29 points o 11-for-20 laban sa kanyang dating team.

 

 

Sa kaso ni Durant ito ang kanyang unang playoff game makalipas ng dalawang taon nang matamo niya ang matinding injury.

 

 

Para kay Irving nang makita nilang nagiging agresibo ang kanilang lider na si Durant, ito na rin ang senyales nang sila ay ginanahan hanggang sa hindi na binitawan ang kalamangan.

 

 

Sa panig ng Celtics medyo inalat si Jayson Tatum nang magbuslo ng 22 na meron lamang anim na pumasok mula sa 20 attempts.

Other News
  • Sangkot droga, timbog

    ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]

  • Marcial pasok sa Q’finals

    Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.     Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.     Itinigil […]

  • Mga laro sa PBA tuluyan ng kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

    Itinigil ng Philippine Basketball Associaton (PBA) ang nagaganap ng mga laro sa 2021-2022 Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa unang plano kasi ay temporaryo muna nilang ititigil ang mga laro ng isang linggo subalit nagdesisyon ang mga boards na itigil muna ito ng walang katiyakan. […]