Durant, USA basketball team sa Olympics binubuo ng NBA stars
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
Halos kompleto na ang bubuo ng USA Basketball team na sasabak sa Tokyo Olympics.
Ang national team ay kinabibilangan ng mga NBA superstars.
Kabilang sa umano sa nagbigay na ng kumpirmasyon ay sina Chicago Bulls guard Zach LaVine at si Detroit Pistons forward Jerami Grant.
Gayunman ang Brooklyn Nets superstar na si James Harden ay umatras dahil sa nagpapagaling pa sa kanyang hamstring injury.
Una nang iniulat ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo na ang iba pang miyembro na tutungo ng Olympics ay ang nagbabalik para sa kanyang ikatlong gold medal ang isa pang superstar na si Kevin Durant, makasama rin ang mula sa Golden State Warriors na si Draymond Green, habang magiging first time Olympians naman sina Damian Lillard ng Blazers, Bradley Beal ng Wizards, Bam Adebayo ng Miami at Jayson Tatum mula sa Celtics.
Si Kevin Love ng Cavs ay miyembro ng 2012 gold-medal-winning squad sa London.
Ang tatlo pang nasa roster ay sina Milwaukee Bucks stars Khris Middleton at Jrue Holiday at ang Phoenix star na si Devin Booker na naglalaro pa ngayon sa conference finals.
Ang unang game ng Team USA ay magaganap sa July 25 kontra sa France na meron ding mga NBA players.
-
Saso muling pumuwesto sa ika-50, binulsa P489K
RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71 pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa […]
-
3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI
TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco. Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman […]
-
P335 million ang nawawala sa gov’t dahil sa ‘duplicates’ at ‘inconsistencies’ sa database ng 4Ps
IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) na nasa P335 million ang halaga ng nawawala sa gobyerno dahil sa duplicates at inconsistencies sa database ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa Performance Audit Report ng COA sa 4Ps program, inirekomenda nitong muli ang pagsasagawa ng cleansing […]