• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duremdes gustong testigo si Esplana

NAIS ni Maharlika Pilipinas Basket- ball League o MPBLl Commissioner Kenneth Duremdes na personal na makausap si dating MPBL coach Gerald (Gerry) Esplana ng Valenzuela City upang mas malalim na mabatid at magkatulungan para masugpo ang iba’t-ibang uri sa taktika ng game fixing, kasma ang point shaving.

 

“Gusto kong makita at mapanood iyung video ni coach Gerry (Esplana). Kung gusto niya, puwede kaming mag-usap, magtulungan para sa liga. Puwede namin siyang maging witness para malinis namin ang ating mga liga,” lbulalas ng opisyal ng liga ni Sen. Emmanuel Pacquiao.

 

Tiwala ang six-time champion at 1998 Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA), na makakatulong ang pagabahagi ni Esplana sa pagbubunyag sa mga taktika na nagiging parte sa pagsasamantala ng ilan hindi lamang sa resulta ng mga laro kundi ikalilinis ng imahe ng liga.

 

“Kung kilala niya, puwede naming paimbestigahan. Mahirap kasi kapag walang data at ebidensiya,” hirit ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach ng Adamson Soaring Falcons at ikalawang komisyoner ng semi-pro league( MPBL).

 

May katagalan na rin sa kalakaran sa sport si Esplana, na nagkapaglaro sa Philippine Amateur Basketball League (PABL) na naging PBL at PBA Developmental League, at PBA saka naging coach sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) bago sa MPBL.

 

Nag-1990 PBA Rookie of the Year siya, bagong nag-coach sa Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA at sa Valenzuela sa MPBL. Minsan na ring pumiyik siya sa isyu ng game fixing, pati si dating national, PBA, Metropolitan Basketball Association (MBA), NCAA at PBA na si Francisco Luis (Louie) Alas.

 

Nitong Nobyembre 2019, may ilang kinasuhan na rin sina Pacquiao at Duremdes sa MPBL. Pero dahil sa Covid-19 naipit sa Department of Justice (DOJ) ang paglalabas ng resolusyon.

 

Hanggang bukas pong muli mga giliw kong mambabasa dito sa People’s Balita Sports. (R.E.C.)

Other News
  • Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo

    SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo.     “Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang […]

  • Lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa estudyante, binitbit

    DINAMPOT  ng pulisya ang isang lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa isang 17-anyos na estudyante noong nakaraang taon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Sinilbihan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon […]

  • Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine

    Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.     Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net  at i-click ang “Vaccination Registration” button.  Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang […]