Duterte ‘di tatakbo sa 2022 polls kung matutuloy ang presidential bid ni Mayor Sara – Nograles
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.
Ayon kay Nograles na binanggit na ito ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong kagabi, pero hindi naman matandaan kung ano talaga ang eksaktong sinabi nito.
Dipensa ni Nograles, na-cut ang bahagi ng pahayag na ito ng pangulo sa kanyang “Talk to the People” na inere kagabi.
Magugunita na katulad sa mga nakalipas na public address ni Pangulong Duterte, ang “Talk to the People” nito ay pre-recorded lamang din. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas pinayagan ng mag-training sa Laguna
Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps. Kinabibilangan ito naina […]
-
PBBM, sinuspinde ang klase sa pampublikong eskuwelahan, trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Bulacan
SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang klase sa mga pampublikong eskuwelahan sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Kalakhang Maynila at sa lalawigan ng Bulacan upang bigyang daan ang opening ceremony ng FIBA Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Nakasaad sa memorandum circular no. 27, […]
-
Mag-ingat sa donation scams
Pinag-iingat ni House Transportation Committee Chair and Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang publiko laban sa mga manloloko o con syndicates gamit ang nakaka-awang sitwasyon ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Ang babala ay ginawa ni Sarmiento matapos mabunyag na may isang grupo na gumagamit sa kanyang opisina para manghingi ng pera sa […]