• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ingat sa donation scams

Pinag-iingat ni House Transportation Committee Chair and Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang publiko laban sa mga manloloko o con syndicates gamit ang nakaka-awang sitwasyon ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

 

Ang babala ay ginawa ni Sarmiento matapos mabunyag na may isang grupo na gumagamit sa kanyang opisina para manghingi ng pera sa mga kaanak, kaibigan, supporters at businessmen mula sa transport industry upang makakalap ng pondo na ipangtutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

“The office of one of our colleagues called to verify if I’m seeking assistance in the form of cash donation for the victims of the calamity. Please be informed that there is no such activity or any donation drive,” ani Sarmiento.

 

Ayon pa sa mambabatas, sinasamantala ng mga sindikato ang sitwasyon ng libong pamilya sa Marikina, Rizal, Cagayan Valley at Bicol region na matinding naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa nitong nakalipas na dalawang buwan.

 

Ginagamit din aniya ng mga nasabing con artists ang pangalan ng ilang pulitiko, showbiz personalities at prominent personalities sa business sector para tumaas ang tiyansa ng mga ito na makakuha ng mas malaking halaga.

 

May mga ulat din umano na nagbuo ng Social Media pages at Go Fund Me sites para sa mga biktima ang con artists gamit ang pangalan ng pulitiko at iba pang kilalang personalidad.

 

“While we are appealing for help for tens of thousands of families who lost their homes, properties and the lives of their loved ones, we should make sure that our donations do not end up in the hands of these unscrupulous syndicates who are preying on the misfortunes of other people,” pahayag ni Sarmiento.

 

Nanawagan din ito sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na maglunsad ng crackdown laban sa mga scammers na namamalantala sa mga biktima ng bagyo. (ARA ROMERO)

Other News
  • Arroyo inendorso si Romualdez sa Speakership

    INENDORSO ni dating pangulo at Congresswo­man-elect Gloria Macapagal-Arroyo si Leyte 1st District Representative at Majority Leader Martin Romualdez upang maging House speaker ng 19th Congress.     Ayon kay Arroyo, buo ang kanyang suporta para iluklok si Romualdez bilang susunod na House Speaker. Hinimok din nito ang kanilang mga kapartido na suportahan din si Romualdez. […]

  • Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM

    SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.       Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]

  • 6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card

    Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba […]