• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte may sorpresa kay Diaz

Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.

 

 

Pero tumanggi si Ro­que na tukuyin ang eksaktong halaga dahil posible pa aniya itong tumaas na karapat-dapat aniyang ibigay kay Hidilyn.

 

 

Sinabi rin ni Roque na kung ano man ang pagkukulang (sa suporta) noong nagti-training pa si Hidilyn ay tiyak na mababawi dahil sa ibibigay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

 

 

Idinagdag ni Roque na hindi mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn at sasamahan ng gobyerno ng pabuya ang kanilang pagbati sa kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.

Other News
  • Pampublikong transportasyon may 70 porsiento na ang kapasidad ngayon

    Sinimulan noong nakaraang Martes ang pagpapatupad ng 70 porsiento sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.       Sa ilalim ng Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga pampublikong tranportasyon tulad ng mga public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) […]

  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • WALANG PANGIL SA POGO

    PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).   Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa […]