• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALANG PANGIL SA POGO

PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

 

Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa ‘package’ na iniaalok ng mga tour operator na kasabwat naman ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration. Ito ‘yung Pastillas Scheme.

 

Sa halagang sampung libong piso, makapapasok at makapagtatago na sa Pilipinas ang mga pasaway na dayuhan. Kung ilan sila, hindi pa masabi pero, dapat na silang tugisin nang hindi na makagawa ng panibagong problema.
At sa tagal na ng problemang ito, hindi na mapigilan ang iba sa ating mga kababayan na magtanong, “Malambot ba ang pangulo pagdating sa mga Intsik?”

 

Kaliwa’t kanan na kasi ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa POGO — money laundering, prostitution den, hindi pagbabayad ng buwis sa pamahalaan at iba pa. Tila hindi sila maubus-ubos at lantaran na ang pambababoy sa ating bayan.

 

Kaya nang sabihin ng kinauukulan na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa mga problemang ito, kabilang tayo sa mga umaasa.

 

Sana ay mahuli na ang lahat ng sangkot sa ilegal, matigil na ang mga modus at mapag-aralang mabuti kung tayo ba ay nakikinabang sa POGO o dagdag-perhuwisyo lang ito.

Other News
  • Boxing legend Oscar De la Hoya nakalabas na sa pagamutan matapos dapuan ng COVID-19

    Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19.     Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng video sa kaniyang pinagdaanan.     Sinabi nito na tatlong araw siyang nanatili sa pagamutan matapos na tamaan siya ng nasabing virus.     Nasa magandang kalusugan na […]

  • Ads January 26, 2022

  • Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

    Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.   Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa […]