• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.

 

 

Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.

 

 

Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang mga gabinete na hindi siya dapat makipag-debate kay Carpio at kung pumasok naman siya sa debate ay baka isipin ng lahat na ang kanyang mga pananaw sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ay maituturing na polisiya ng gobyerno.

 

 

Dahil dito kaya minabuti na lang umano niyang umatras sa debate dahil posibleng malagay sa ala­nganin ang mga aksyon ng gobyerno pagdating sa WPS.  (Daris Jose)

Other News
  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]

  • CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon

    NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.   Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017.   Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si […]

  • Wish niya sa anak na maging tradisyon na ito: SMOKEY, ginawang makabuluhan ang first birthday ni KIKO

    GINAWANG mas makabuluhan ni Smokey Manaloto ang 1st birthday ng kanyang anak na si Kiko sa pagpapasaya ng mga bata sa isang bahay-ampunan sa Rizal.       Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa birthday celebration ni Kiko na ginawa sa New Faith Family Children’s Home sa Cainta, Rizal.       […]