• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte naiinip na sa bakuna

Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno.

 

 

“Pero tatapatin ko na po kayo, si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna. Kaya naman siguro dahil nagsalita na ng ganiyan ang Presidente ay gagalaw ng mas mabilis ang lahat,” ani Roque.

 

 

Nauna nang inasahan ang pagdating ng bakuna na gawa ng Pfizer ngayong Pebrero pero naantala ito at wala pang katiyakan kung kailan petsa dahil sa isyu indemnification o katiyakan na hindi sila ang magbabayad sakaling magkaroon ng side effect ang bakuna.

 

 

Kaugnay sa mga mungkahi na payagan na lamang ang mga local government units (LGUs) na sila ang direktang bumili ng bakuna, ipinaliwanag ni Roque na hindi ito maaari dahil sa kawalan ng general use authorization.

 

 

Ipinaliwanag din ni Roque na ang pagbili ng bakuna ay “special arrangement” sa pagitan ng vaccine developers at ng mga gobyerno.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ni Duterte ang isang Memorandum Order kamakalawa na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga LGUs na magbayad ng higit sa 15% na advance payment sa mga bakunang binili sa pamamagitan ng tripartite agreement kung saan kasama nila sa kontrata ang manufacturer at national government. (Daris Jose)

Other News
  • PNP, gagamit na ng body cams sa kanilang operasyon sa buwan ng Abril

    KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.   Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police […]

  • PSC: 300 para-athletes lumahok sa webinar

    Lumahok ang mahigit 300 national para-athletes at coaches sa katatapos na week-long webinar na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa pagdiriwang ng National Council on Disability Affairs’ 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week.   Nakipag-tululungan ang PSC sports rehabilitation unit sa Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa online seminars ng mga differently-abled. […]

  • Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, arestado

    INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency  dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante .     Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng […]