• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, gagamit na ng body cams sa kanilang operasyon sa buwan ng Abril

KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.

 

Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police raids.

 

“The body cams are there already. Training is ongoing and we expect these body cams to be used by April to erase doubts that the public may have on what really happens during police operations and when somebody dies in those operations,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang pagtiyak na ito ni Sec. Roque ay sa gitna ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Justice Department sa pagkamatay ng 9 na aktibista sa Calabarzon Region sa isinagawang police operations noong nakaraang linggo.

 

Ang police operations ay isinagawa para isilbi ang search warrants para sa explosives at iba pang nakamamatay na armas.

 

Samantala, umapela naman Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.

 

Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.

 

“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ani Sec. Roque.

 

“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Nilinaw na ng kanilang management: JENNYLYN, ‘di lilipat sa ABS-CBN at na-hack ang account ni DENNIS

    NAGDULOT nga ng kontrobersiya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga Kapamilya fans.       Tungkol ito sa naging sagot niya sa katanungan ng netizens tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa newest GMA Network Station ID at malakas daw ang tsika na lilipat sa ABS-CBN.     […]

  • 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar, kanselado dahil sa pandemya – SBP

    Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kanselado na ang pagsasagawa ng ikatlo at huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa loob ng isang bubble set-up sa Doha, Qatar.     Sa isang pahayag, sinabi ni SBP President Al Panlilio na batay sa liham na kanilang natanggap mula kay FIBA […]

  • Price cap sa presyo ng gamot, tinintahan ni Duterte

    PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 104 na naglalagay ng price cap sa kabuuang 86 drug molecules o 133 drug formulas sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng EO 104 o “Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the […]