• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2.

 

Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha.

 

Layunin ng aerial inspection ng pangulo kasama sina Senador “Bong” Go, Labor Sec. Silvestre Bello III, Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar at iba pang opisyal ng pamahalaan, na malaman ang buong pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

 

Ayon sa Pangulo, nagbigay na ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Region 2 bukod pa sa tulong ng mga local government unit at non-governmental organization.

 

Samantala, nagpahayag ng kalungkutan ang pangulo sa tinamong pinsala ng rehiyon partikular na ang Cagayan.

 

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at naging biktima sa malawakang pagbaha na iniwan ng Bagyong Ulysses.

 

Sa kabila nito , makakaasa aniya na magpapatuloy at sisiskapin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang nanatiling lubog pa rin sa baha.

 

Sa kabilang dako, nagpahayag din ng suporta ang pangulo sa kampanya ng mga kinauukulan laban sa illegal minning at illegal logging sa lambak ng Cagayan.

 

Hinikayat nito ang mga local executives na makipagtulungan sa binuong task force para sa rehablitation upang maibalik agad sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan ng pagbaha. (ARA ROMERO)

Other News
  • No vaccine, no participation! –Vietnam

    Kailangan nang mabakunahan ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.     Ito ay matapos mag-isyu ang Vietnam SEA Games Organizing Committee ng ‘no vaccine, no participation” policy sa lahat ng bansang sasabak sa b­iennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang […]

  • 250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

    Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.     Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.     Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]

  • Christine Hallasgo, Nhea Ann Barcena wow sa half-marathon

    Winalis ng ‘Pinas sa pamamagitan nina 2022 Vietnam SEA Games marathon silver medalist Christine Hallasgo at three-time World Marathon Majors veteran Nhea Ann Barcena ang 1-2 puwesto sa women’s half-marathon ng 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 nitong Linggo sa Vietnam.     Nagposte si Hallasgo, 30, ngng Malaybalay, Bukidnon, ng isang oras, […]