• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, pinayagan na ang mga private sector na bumili ng COVID-19 vaccines

Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na makabili ng COVID-19 vaccine.

 

 

Isinabay ng pangulo ang anunsiyong ito sa kanyang national address nitong Lunes ng gabi.

 

 

Ayon sa Pangulo na inatasan na niya si Secretary Carlito Galvez na pirmahan ang lahat ng mga dokumento na pinapayagang lahat ng mga private sector na makabili ng kahit magkano ang halaga para sa kanilang mga empleyado.

 

 

Dagdag pa ng pangulo na nais niyang makabili ang mga private sectors para tuluyan ng mabuksan ang ekonomiya.

 

 

Paglilinaw kasi nito ang nabiling 1.2 milyon doses na COVID-19 vaccine ng gobyerno ay tamang-tama lamang sa mga frontliners at mga health workers.  (Daris Jose)

Other News
  • Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang

    MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang […]

  • NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na

    UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa.       Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro.       Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe […]

  • Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo

    NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.     Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market.     Ayon kay […]