• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte tatakbong VP sa 2022 elections

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-pre­sidente sa darating na halalan sa Mayo 2022.

 

 

Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, exe­cutive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido na tumakbong vice president sa dara­ting na halalan.

 

 

Ani Nograles, naki­pagpulong si Pangulong Duterte nitong Lunes sa mga opisyal ng partido.

 

 

“President Rodrigo Roa Duterte agreed to make the sacrifice and heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of the PDP Laban Party for him to run as Vice President in the 2022 National Elections,” sabi ni Nograles.

 

 

Ang naturang paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Ener­gy Secretary Alfonso Cusi ang siya ring nagnomina kay Sen. Bong Go para maging “manok” sa pampanguluhang karera sa 2022.

 

 

Matatandaang ipina­ha­yag ng Pangulo na ikokonsidera o tatakbo lamang siya sa pagka­bise-presidente kung ang magiging katambal o pangulo niya ay isang kapartido at makakasundo sa pagpapatakbo sa gobyerno.

 

 

Maaalala rin na ininomina o inendorso ng national executive council ng PDP-Laban ang tambalan nina Sen. Go at President Duterte para maging pambato nito sa darating na pambansang halalan.

 

 

Sinabi naman ni Sen. Go na hindi siya interesado na tumakbo sa pagka-pangulo.

 

 

“Nakatutok ako sa aking tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na ating hinaharap. Bakuna muna bago pulitika. Mas mabuti unahin niyo na muna ’yung mga interesado na tumakbong Pangulo,” wika ni Go.

 

 

Ang Go-Duterte ang itinuturing na “super-tandem” at walang katibag-tibag sa darating na eleksyon dahil maraming naniniwala na ito ang magpapatuloy ng magagandang nasimulang programa at proyekto ng Duterte administration.

 

 

“As I have said many times before, I leave my fate to God, to the Dutertes (both PRRD and Mayor Sara) — kung ano man po ang kanilang magiging desisyon sa pulitika — and to the Filipino people to whom I owe this opportunity to serve our country. Sila po ang nagbigay sa  akin ng pagkakataon na maglingkod kaya hindi ko po sasayangin ang oras na ito na makapagserbisyo sa aking kapwa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” anang mambabatas. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.   Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19.   “Check out the vaccinations […]

  • TVJ, binisita nang mag-guest sa TV5: BJ, ‘di makikisali sa isyu kaya go lang kung saan may trabaho

    ISA sa popular na karakter ngayon sa telebisyon ay si Zoey Tanyag na ginagampanan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi sa top-rating na ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ng GMA.   Ano ang pinakamalaking natutunan ni Kazel mula sa pagiging bahagi ng top-rating afternoon series?   “So isa po sa mga natutunan ko sa show […]

  • NCR at 6 na lugar, mananatili sa ilalim ng GCQ

    MANANATILI sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur.   Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang taped message para sa bagong quarantine classification para sa Nobyembre 1 hanggang 30.   Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga […]