• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant

Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.

 

Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.

 

“And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” wika ng Pangulong Duterte.

 

“Yung ginagawang bakuna ngayon, kasi bago ito, titignan ng mga experts, mga doctor. They will raise the alarm sabi nga ni Doctor Duque ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester, and maybe treat them para hindi na mapasa sa iba,” dagdag nito.

 

Dagdag pa ng presidente, mahalagang malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pasyente pagdating sa Pilipinas mula sa United Arab Emirates (UAE).

 

“Importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila… Kaya lalabas itong [contact] tracing, ita-trace, hahanapin ‘yung mga tao tapos i-examine sila for their own good,” ani Duterte.

 

Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na dumating sa Pilipinas ang pasyente na may UK variant noong Enero 7.

 

Nanggaling ito sa Dubai kasama ang kanyang nobya, na lumabas na negatibo sa coronavirus.

 

Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa mahigpit na quarantine at monitoring ang partner ng pasyente. ( ARA ROMERO)

Other News
  • Nakagugulat ang kanyang rebelasyon: BEAUTY, wini-wish na maging maayos na ang sitwasyon sa kanilang mag-ina

    KAGULAT-GULAT ang rebelasyon ni Beauty Gonzalez tungkol sa sitwasyon sa pagitan nila ng kanyang ina.     Naganap sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ang pahayag ni Beauty tungkol sa ina niyang si Carina Luche na nakatira sa Dumaguete.     Napaiyak si Beauty bago sinagot ang tanong ng King of Talk na, “I just […]

  • Donaire tutok sa training camp

    Todo ensayo na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ilang araw bago ang pagbabalik-aksyon nito kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 (Disyembre 20 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Montville, Connecticut.   Kabilang sa mga tinututukan ang diet ni Donaire upang matiyak na tama ang nutrisyong nakukuha nito sa kanyang mga […]

  • Christmas party posible na sa mga bakunado

    Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari nang magdaos ng mga Christmas parties ngayong darating na Disyembre ngunit para lamang sa mga ganap nang bakunadong mamamayan.     “In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right […]