• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-Konsulta services ni Robredo tinapos na; mahigit 58-K ang natulungan

TINAPOS na ni Vice President Leni Robredo ang mga serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta ng kanyang opisina matapos tumulong sa mahigit 58,000 katao, isang buwan bago siya bababa sa pwesto.

 

 

Inanunsyo ni Robredo ang huling araw ng libreng telemedicine platform ng Office of the Vice President (OVP) na inilunsad noong Abril 2021 upang matulungan ang mga pasyente ng COVID-19 at iba pang sakit na makakuha ng medikal na atensyon sa pamamagitan ng tele-consultation.

 

 

Nagbigay din siya ng pagpupugay sa lahat ng mga volunteers para sa inisyatiba na kinabibilangan ng 947 mga doktor at 1,761 na mga call or chat agents.

 

 

Bukod sa libreng telemedicine services, nagbigay din ang Bayanihan E-Konsulta ng libreng COVID-19 care kits na kinabibilangan ng mga gamot, bitamina, thermometer, box ng facemask, oximeter, disinfectant, at alcohol.

 

 

Samantala, sinimulan na ni Robredo ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit mula sa kanyang opisina sa Quezon City habang malapit nang matapos ang kanyang termino.

 

 

Nagbahagi siya ng mga larawan sa social media ng mga salansan ng mga kahon na pumupuno sa mga sulok ng opisina, na aniya ay mga souvenir sa kanyang anim na taon bilang bise presidente.

 

 

Nasundan ni Robredo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 elections’ presidential race na may 14 million votes kumpara sa dating senador na mahigit 31 million votes.

Other News
  • 2 sa 5 sugarol na natimbog sa Caloocan, buking sa boga at patalim

    NABISTO ang dalang baril at patalim ng dalawa sa limang kalalakihan matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal sa Caloocan City.     Tinangka pang tumakas nina alyas “Calatay” at “Tablante” nang matiyempuhan sila at tatlo pang kasama ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta habang nagsusugal ng ‘cara […]

  • Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’

    DAHIL  na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe.     Ito ay para makatipid sa pera at krudo.     Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]

  • Bong Go: OFW Hospital legasiya, pamana ni Pangulong Duterte

    TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga Pilipinong migranteng manggagawa na patuloy ang kanyang pangako at ng kasalukuyang administrasyon na poprotektahan at uunahin ang kanilang kapakanan lalo na sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan.     Ginawa ni Go ang pahayag bilang panau­hing pandangal sa “walkthrough” sa kauna-una­hang Overseas Filipino Workers (OFW) […]