Eala naka-2 Grand Slam titles na
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.
Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa Kiara Toth, 6-0, 7-5 demolisyon sa finals.
Walang sinayang na sandali sina Eala at Selekhmeteva nang pulbusin nito sina Bondarenko at Toth sa first set.
Ito ang nagsilbing regalo ni Eala sa bansa sa ika-123 Independence Day ng Pilipinas.
“Sa lahat ng mga Pinoy na nanood, maraming salamat sa suporta. It’s actually the Independence Day today (in the Philippines) so I hope that I made my contribution to the country,” ani Eala.
Si Eala ang pinakamatagumpay na juniors player sa kasaysayan ng Pilipinas matapos makasungkit ng dalawang Grand Slam titles.
Una nang nakuha ni Eala ang kanyang first Grand Slam noong nakaraang taon matapos magreyna sa Australian Open juniors girls’ doubles kasama si Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho.
-
PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City
BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City. Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon. Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang […]
-
Cabinet members ni Pangulong Duterte, handang makasama sa priority list ng COVID vax kung nanaisin ng president
Nakahanda umano ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa priority list ng COVID-19 vaccination kung magiging daan ito upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna. Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila kasama sa priority list dahil ang talagang pinaka-unang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan […]
-
Ads June 25, 2022