• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.

 

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.

 

“Ang ginawa po kasi sa Indonesia to protect the economy, prinarioty po nila ‘yong essential workers so ‘yon po ang titingnan po natin,” ayon kay Galvez.

 

Ani Galvez, inirekumenda ng mga Metro Manila mayors na isama ang mga economic frontliners sa prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan.

 

“Kasi nakita po natin na ‘yong mga driver sa food industry, sa social services, at the same time, ‘yong life support services, kailangan maproteksiyunan po natin sila,” ang pahayag ni Galvez.

 

“Ito po mga mahihirap din po ito eh. ’Yon po ang recommendation ng ating mga communities and LGUs,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, naglaan na ang Pilipinas ng P73.2 billion para sa gagawing pagbili ng bakuna kung saan P40 billion ay mula sa multilateral agencies, P20 billion ay mula sa domestic sources, at P13.2 billion naman ay mula sa bilateral agreements.

 

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon at tinatayang 50,000 nama ang mababakunahan ngayong Pebrero.

 

Ang priority groups ay kinabibilangan naman ng mga frontline health workers, indigent senior citizens, natitirang indigent population at uniformed personnel.

 

Nauna rito, sinabi ni Galvez na ang vaccine manufactured ng American corporation Pfizer ay maaaring unang magamit na bakuna laban sa COVID-19 sa bansa lalo pa’t ang COVAX Facility ay nagkaroon na ng maagang rollout ng nasabing brand. (Daris Jose)

Other News
  • Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan

    NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.   Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng […]

  • Operasyon ng MVIS hubs pinahihinto ng Senado at Kongreso

    Magkasunod na humiling ang mga Senador at Kongresman na pahintuin ang pagpapatupad ng implementasyon ng pribadong motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).   Ayon sa mga Senador, ang MVIS ay unconstitutional at pagisisimulan lamang ng malawakang kurupsyon.   Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado ay hiningi ni Senate committee on public services […]

  • Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto

    INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines.   Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng […]