• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Edad 12-15 posibleng isama na sa bakuna

Posibleng makasama ang mga kabataang may edad 12 hanggang 15 taong gulang sa ‘vaccine priority list’ makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan na ito.

 

 

Sinabi ni DOH Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani na pinag-uusapan na sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) kung paano sila magkakaroon ng rekomendasyon.

 

 

Nabatid na nag-aplay na ang Pfizer sa Food and Drug Administration (FDA) ng amendment sa kanilang ‘emergency use authorization (EUA)’ na makasama ang mga batang may edad 12-15 taong gulang sa maaa­ring mabigyan ng kanilang bakuna. Nakatakdang maglabas ng desisyon ang FDA ngayong linggo sa aplikasyon ng Pfizer.

 

 

Sa ngayon, kung ang isang bata na kasama sa naturang ‘age-group’ ay may comorbidity, pinag-aaralan kung maaari silang maisama sa A3 prio­rity group.

 

 

Lumabas ang rekomendasyon na isama na ang mga bata na may naturang edad sa mga mababakunahan makaraan na isagawa na ito ng Estados Unidos at Canada.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa naisasama ang mga kabataan sa vaccination program dulot na rin ng patuloy na kakapusan sa suplay ng bakuna. (Daris Jose)

Other News
  • HELPER TINARAKAN SA LEEG NG KAPITBAHAY, PATAY

    DEDO ang isang helper matapos saksakin sa leeg ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang magising ang suspek sa ingay ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.           Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak kanang bahagi ng leeg ang biktimang si Ramil Sola, 38 ng Blk 50 Lot 13 Phase 3 Area 2, Maya-Maya […]

  • Target ng warrant of arrest, 3 pa timbog sa shabu sa Caloocan

    APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang na-rescue na 16-anyos na estudyante ang arestado nang maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni East Grace Park Police Sub-Station 2 Commander PLt Joemar Ronquillo ang naarestong mga suspek bilang si Antonio Cuevas, 58 […]

  • Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS

    Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.     Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).     Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]