EDSA Busway at MRT 3 patuloy ang maayos na operasyon
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula ng mga nakaraang Linggo, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3.
Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng EDSA Busway ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon sa monitoring ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), higit 300 na pampasaherong bus ang bumibiyahe sa EDSA Busway araw-araw, at inaasahang madaragdagan pa ang kanilang bilang upang matugunan ang passenger demand sa naturang ruta.
Nananatili namang mabilis ang travel time para sa mga commuters at pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA Busway. Noon, kung inaabot ng 3-4 na oras ang biyahe ng bus mula Monumento hanggang PITX, ngayon dahil sa EDSA Busway, umaabot na lamang ito sa 45 minuto hanggang isang oras.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng LTFRB ang publiko na gamitin ang EDSA Busway, upang makatulong sa pagbabawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, lalo na tuwing rush hour.
Hinihikayat rin ng DOTr at LTFRB ang publiko at mga private vehicle owners na patuloy na gamitin ang MRT-3 kung sila ay babiyahe sa kahabaan ng EDSA.
Ang MRT-3 ay patuloy na nakakapagbibigay ngayon ng mas maganda, mas maayos, at mabilis na serbisyo sa ating mga commuter. Inaasahang mas gaganda pa ang serbisyo nito oras na matapos ang massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy mula sa bansang Japan sa December 2021.
Bukod dito, inaasahang maibabalik na rin ang Service Contracting Program sa ilalim ng regular budget ng gobyerno upang mabigyan ng insentibo ang mga Public Utility Vehicles (PUV) na magbigay ng ginhawa sa mga pasahero sa pamamagitan ng Libreng Sakay.
Antabayanan ang iba pang anunsyo ng DOTr, LTFRB, at MRT-3 kaugnay ng Service Contracting Program, MRT-3, EDSA Busway, at iba pang impormasyon patungkol sa iba pang programa ng ahensya.
Sa kabilang dako, Sa nakaraang panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos kanyang sinabi na kahit na dumami na ang dami ng mga sasakyan, sa ngayon naman ay gumagalaw ng mabilis ang trapiko kumpara noong bago pa magkaron ng pandemya.
“In terms of speed, the vehicles are faster, compared to before. The cars are now at 24 kilometers per hour, while before, cars ran at 11 kilometers per hour,” wika ni Abalos. (LASACMAR)
-
Harrison Ford Is Back As The Iconic Adventurer Indiana Jones!
The iconic adventurer Indiana Jones returns in the upcoming movie Indiana Jones and the Dial of Destiny! Lucasfilm has recently dropped the trailer for the fifth installment of the famous movie franchise. Check out the trailer for the new film below: https://www.youtube.com/watch?v=ZfVYgWYaHmE In this new film, Harrison Ford is back as the iconic archaeologist and adventurer. While […]
-
Kasama na sa pagtakbo
NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo. Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako. May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang. Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong […]
-
LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE
MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green. Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James. Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House. Kung […]