• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA PEOPLE POWER, may kaakibat na malaking responsibilidad

BINIGYAN-DIIN  ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kalayaan at demokrasya na natamo ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

 

Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng Pilipinas ngayon ay hindi lamang isang biyaya kundi isang hamon para sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang laban para sa demokrasya na ipinaglaban mahigit apat na dekada na ang nakalipas.

 

Pagbabahagi ng Obispo, ang paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay isang paalala para sa lahat na patuloy na protektahan at pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kabutihan, pagkakapantay-pantay, at katarungang panlipunan.

 

Paliwanag  pa niya na  mahalaga ang patuloy na pagpapamalas ng malasakit at pagmamahal sa bayan. Umaasa rin ang Arsobispo na hindi mananaig ang kawalan ng pakialam ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa lipunan.

 

Giit niya, maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa bayan—kabilang na ang aktibong pakikilahok sa mga usaping pangkomunidad at iba pang gawain para sa ikabubuti ng bansa, tulad ng pagboto sa mga karapat-dapat na opisyal ng pamahalaan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Chiz: Impeachment trial lalarga sa Hulyo 30

    INILATAG na ng Senado ang timetable ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at posibleng simulan ang paglilitis sa Hulyo 30, 2025. Mismong si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang inisyal na naglabas ng timetable at mga gagawin sa impeachment trial. Isang liham na may petsang Pebrero 24 ang ipinadala ni Escudero sa kanyang mga kasamahan, kay Duterte, at […]

  • PNP handang magbigay ng seguridad kay Teves

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na bibig­yan ng sapat na seguridad  si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves sa pagbabalik nito sa  bansa.     “We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces [are] more than willing to provide security to him and […]

  • NCR Plus, posibleng bumaba sa GCQ with relaxed restrictions matapos ang Hunyo 15

    MALAKI ang posibilidad na bumaba sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.   Ang basehan ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.   “For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital […]