• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Educational assistance program ng Manila LGU, natanggap na ng unang batch

TINATAYANG nasa mahigit 600 benepisyaryo ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng kanilang educational assistance program ngayong araw.

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama si MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso, ang paggawad ng tig-P5,000 educational assistance sa 674 benepisyaryo nito na ginanap sa San Andres Sports Complex.

 

Nasa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ng Manila LGU sa mga benepisyaryo na nagmula sa distrito 1, 4, at 6 ng nasabing lungsod.

 

“Makakaasa po kayo nga ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay gagawin at mag-iisip ng mga paraan para lalong maibsan ang napakabigat na suliranin, dahil hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin po tayo ng state of health emergency,” ayon sa Alkalde.

 

Nabatid kay Fugoso na ito ang una sa apat na batch, kung saan mahigit 2,000 recipients mula sa Maynila ang inaasahang makakatanggap ng nasabing educational assistance. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike

    MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.       Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila […]

  • Tiniyak ang repatriation assistance

    UMAPELA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Ukraine na huwag mag-panic sa gitna ng nagpapatuloy na  paglusob ng Russia.     Tiniyak ng DFA sa mga ito na mabibigyan sila ng tulong at madadala sa mas ligtas na lugar o mapauuwi sa Pilipinas kung kinakailangan.     Sinabi ni Foreign Secretary […]

  • Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London

    KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.       Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion.       “Oo. Dito nga po sa […]