• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

El Niño pinaghahandaan na ng DOH

Maagang naghahanda ngayon ang Department of Health (DOH) sa inaasahang pagdating ng El Niño na maaaring magdulot muli ng iba’t ibang uri ng sakit o outbreaks sa iba’t ibang panig ng bansa.
Isang “El Niño Summit” ang isinagawa kamakailan ng DOH kung saan pinulong na ang kanilang mga Medical Center Chiefs, Chiefs of Hospitals, Regional Directors and Assistant Regional Directors, at central office Bureau Directors, at Executive Committee members.
Nais ng DOH na maitugma ang kani-kanilang mga nasyunal at lokal na istratehiya at plano sa pag-aksyon upang mabawasan ang negatibong epekto ng El Niño.
Iprinisinta ng Department of Science and Technology-PAGASA ang kasalukuyang status ng El Niño gamit ang 2024 Heat Map.
Tinalakay rin ng mga eksperto ang mga sakit na maaring idulot ng matin­ding init at mga magi­ging senaryo kapag nagkaroon ng kakapusan sa tubig, ­enerhiya, pagkain at pagkalat ng mga sakit na ­maaring kaharapin ng mga pagamutan.
Ang El Niño at ang kabaligtaran na La Niña ay mga paulit-ulit na “climate pattern” na tinatawag ng mga siyentipiko na El Niño-Southern Oscillation (ENSO).
Sa kanilang pagtataya, patuloy na lumalala ang ENSO at umakyat ng 10% mula noong 1960 dahil sa naobserbahan na pagtaas ng “greenhouse gas” sa atmosphere.
Other News
  • Mga makikiisa sa Simbang Gabi, dapat fully vaccinated – CBCP

    Naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic ang bansa.     Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated ang kanilang papapasukin sa loob ng […]

  • Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd

    Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns.     Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang […]

  • Isailalim na ang buong bansa sa MGCQ mula Marso 1

    IPINANUKALA ng National Economic Development  Authority (NEDA)  kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inirekomenda rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan […]